Warning : This chapter contains trigger scene.
MARCO'S POV
Kakatapos ko lang magbihis galing sa kwarto nang pumunta ako sa kusina at makita ko si Tita Irish. Ang mommy ni Raine.
"Marco, dumating ka na pala."
"Opo tita kakarating ko lang din."
"May hinanda akong merienda.. kumain muna kayo ni Raine."
Napaisip ako."Wala po si Raine dito?"
"Nasaan ba siya?"
Nagsimula na akong magtaka. "Hindi ba siya nagpaalam sa inyo tita na hindi kami sabay uuwi?"
"Hindi bakit?"
"Sabi kasi niya kanina na nagpaalam siya sa'yo na pwede na akong umuwi mag-isa na wala siya kasi may pupuntahan daw siya."
"Wala akong text o tawag mula sa kanya.. Nagsisinungaling na naman siya."
Naisahan ako ni Raine. Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Nagkatinginan kami ni Tita Irish.
"Naku, Marco sunduin mo si Raine baka ano naman mangyari sa kanya.. Baka habulin na naman siya ng sumusunod sa kanya." nag-aalalang wika ni Tita.
"Wag kayong mag-alala babalikan ko siya sa school." sabi ko para mapanatag si Tita.
"Salamat Hijo, maasahan talaga kita." kalmadong sabi nito.
"Para sa inyo Tita.. Ako ang bahala kay Raine. Ang totoo balak ko siyang balikan matapos magmerienda."
"Mabuti naman."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagbihis na ako para sunduin si Raine. Baka ano pang mangyari sa kanya baka kasalanan ko pa. Naglalakad ako sa kanto ng may na mabangga akong matandang babae. Dahil malakas ang pagkakabanga naming dalawa ay nahulog ang mga dala niyang mga mansanas.
"Sorry po hindi ko sinasadya.."
"Okay lang."
Tinulungan kong damputin ang mga mansanas na nahulog sa sahig. Pag-abot ko sa mansanas ay nakilala ko agad ang matandang nabanga ko.
"Hi Lola.. ikaw pala yan." galak na wika ko.
Si Lola na nakilala namin ni Raine sa jeep na pinaupo namin dalawa. Ang matandang manghuhula.
"Dong.. ikaw din pala yan." gulat din niyang wika.
"Pasensya na nahulog ko yung mga mansanas." Napahawak ako sa ulo.
"Okay lang dong.. nasaan na yung magandang babae na kasama mo?" tanong niya.
"Hindi ko kasama na sa school pa."
"Iniwan mo siyang mag-isa!" bigla nalang tumaas ang boses niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Nagsimula narin akong magtaka.
"Bakit ho?"
"Diba sinabi ko sayo na babantayan mo siya!"
Naalala ko ang sinabi niya noong huli naming pag-uusap. Nagsimula na akong makaramdam ng kaba sa dibdib.
"Ano bang mangyayari sa kanya?"
"Kung nasaan man siya ngayon ay puntahan mona siya agad bago mahuli ang lahat." matapos ay tinalikuran niya ako at tuluyang umalis.
Sa tuwing naiisip kong may mangyayaring masama kay Raine ay kumaripas na ako sa paghahanap ng sasakyan na jeep para mapuntahan agad siya. Nang makasakay na ako ay lagi kung tinatawagan ang cellphone niya ngunit walang sumasagot. Marahil ay naka silentmood ang phone niya dahil may meeting siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)