RAINE'S POV
Sa haba-haba nang sermon ang natanggap ko kay Ma'am. Valdez sa nangyari matapos akong kausapin ay padabog akong lumabas ng office nang sinalubong na agad ako ni Denise.
"Twin. Okay ka lang?"
Napahawak ako sa noo ko. "Ginagalit talaga ako ng Marco na 'yan!"
Ilang sandali ay lumabas na rin si Marco galing sa office at tinignan kaming dalawa ni Denise.
Parang bulkan na sasabog ang utak ko habang nakatingin sa pagmumukha niya. Kailangan kong magtimpi lalo na't bago pa lang kami pinagalitan.
"Marco, pwedeng lumayo ka muna sa amin please." sabi ni Denise.
"Okay. Hindi na lang akong mag-sosorry." sabay alis.
"Sorry mo! mukha mo!" sigaw ko habang sinusundan siya nang tingin. "That Loser! Ang lakas niya talagang galitin ako." sabay yukom ng kamao ko.
Hinawakan ako ni Denise sa balikat para pakalmahin ako. "Puso mo Raine."
"Hindi ako makapaniwala that Loser! naging mas malaki pa siyang problema sa akin kaysa kay Margarette."
"Tama ka. I think sa nangyari na 'to, impossible na talaga sa inyo ang magkakasundo." si Denise.
"Magkasundo? Never yan mangyayari, that loser! hindi nga ako makatingin sa pagmumukha niya dahil sa inis ko."
"Siguro panahon na rin na layuan ko na rin siya." malungkot na wika nito.
"Salamat, na-isip mo rin yan!" pagalit na sabi ko.
Hinagod niya ang likod para pakalmahin ako. Mabuti ay naka realized din siya na anumang gawin niyang maging magkaibigan kami ni Marco ay impossible sa amin na mangyari yon.
TANGHALI na ng mga oras na 'yon kaya pumunta na kami ni Denise sa Cafeteria upang kumain ng Lunch. Sa pagkain namin ni Denise ay dumating si Marco at tumabi kay Denise sa kabilang upuan. Ang kapal talaga ng mukha.
"Iba pa rin basta may kasamang kumain." sabi niya.
Binigyan ko siya nang masamang tingin na nagpapahiwatig na umalis siya sa table namin pero ginantihan din niya ako ng sama nang tingin.
"Okay ka lang Raine?" boses sa likod ko.
Dumating si Edward at tumabi sa akin sa pag-upo. Nawala ang atensyon at inis ko kay Marco.
"Oh.. Ikaw pala Edward." kailangan kong maging kalmado. Biglang nabilaukan si Denise. "Okay, ka lang Denise?" sabay bigay ng tubig ko.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay sabay kaming nag-abot ni Marco ng tubig. Napatingin si Denise kay Marco at sa akin na tila nag-iisip kung kaninong baso ang tatanggapin.
Ilang sandali, Nagpasya siyang kunin ang tubig ko kaysa kay Marco at mabilis niyang uminom. Pasimple akong napatawa dahil sa dismayadong mukha ng Loser.
"Narinig ko about sa inyo ni Marco kanina, Mukhang nag-away na naman kayong dalawa." wika ni Edward.
Sarcastiko akong napangiti kay Marco.
"Ahh 'yon ba Edward. Wag munang pansinin yon, tulad ng hindi pagpansin ni Denise sa baso niya."
Sa binitiwan kong salita bakas ang sa mukha ni Marco ang pagka-inis sa akin. I smirked. Wala siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pagkain niya.
"Siguro kung nakahabol ako sa inyo sa elevator, marahil hindi 'yon nangyari sa inyo."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
"Sasabay sana ako sa elevator kay Marco ng hindi na ako nakaabot dahil sarado na." paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Fiksi RemajaMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)