Chapter 47- Hand cuff

1.3K 42 6
                                        

RAINE'S POV

[SECOND DAY OF INTRAMURALS]

Matapos akong kalagan ng isa sa facilitator ng handcuff committee ay dali akong pumunta mismo sa station nila. Dahil sa pagod at inis ko hindi ko napigilan na mapabagsak ko ng malakas ang dalawang kamay ko sa mismo lamesa nila. Maraming nagbabantay roon ay sobrang nagulat dahil sa ginawa kong iyon.

"Ilan pa ba ang pangalan ko dyan na magpapahand-cuff sa akin?" inis na tanong ko sa lalaking facilitator.

"Miss Vice, huminahon po kayo."

"Ipano ako hihinahon, eh ika sampu nayung kaninang nagpapahandcuff sa akin."

"Sumusunod lang kami sa patakaran, diba kayo naman ang gumawa ng ganitong event."

Napapikit ako sa konsimesyon. Nang sabihin ni Edward sa meeting namin na may handcuff , Blind date, Message at Marriage booth. Alam ko na mangyayari ito sa akin. Ito na guro marahil ang pinakanakakapagod na intramurals ko this year.

"Wala na bang paraan para hindi na ako masali sa ganitong event?"

"Hindi pwede Miss Vice, maski nga teacher hinuhuli rin eh, tayo pa kaya na organizer."

Napahawak ako sa noo. Wala talaga akong ligtas sa araw na ito. Si Denise masyado ding busy sa pagvo-volunteer sa clinic kaya mag-isa ako ngayon. Ilang saglit ay may humila na naman sa akin na dalawang lalaki.

"Ayoko ko na!" pagmamakaawa ko.

"Sorry vice, ginagawa lang namin ang trabaho namin." nakangiting wika niya.

Pinahandcuff ako sa lalaking hindi ko kilala. Another 10 minutes na naman na ibang lalaki ang makakasama ko.

"Hi, Raine... Pangarap ko ang makahand-cuff ka." nakangiti wika niya.

"Tumigil ka! Panda!"

"Hindi ako si Panda, ako si Chris."

"Panda ang pangalan mo dahil mukha kang panda, Ang laki nga ng eyebags mo!"

"Malaki kasi ang eyebags ko dahil kakaisip sayo."

Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Akala mo apektado ako sa pick-up line mong yan." sabay iwas ng tingin sa kanya.

Kinausap niya ako nang kinausap pero hindi ko siya pinakinggan.

"Sorry, I don't talk to stranger." stricta kong wika.

After ten minutes ay kinalagan na ulit ako. Kaya ng magkaroon ako ng pagkakataon na makalaya ay kumaripas na ako ng tumakbo. Magtatago nalang muna ako sa room para hindi nila ako mahuli.

Sa pagtakbo ko ay may nakabangga ako na dalawang lalaki at mukhang taga handcuffs committee na naman ang mga ito.

"Huli ka!"

Maiyak-iyak na akong nakatingin sa kanila.

"Tulungan ninyo ako! Ayoko ng magpahandcuff." naluluha kong sigaw.

Napapagod na kasi ako.

"Bitiwan nyo siya!" kilala ko ang boses na yon nang galing sa likod. Dahan-dahan akong lumingon.

"Bakit ngayon ka lang dumating Marco?!"

Mabilis akong tumakbo sa likod niya bago pa ako hulihin ng dalawang lalaki taga handcuff committee. Sa lakas ng dating ni Marco ay biglang huminahon ang gustong dumakip sa akin.

"Pwedeng wag ninyo siyang hulihin." wika ni Marco.

"Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Marco."

"Ah ganun ba, sige hulihin na ninyo si Raine." Sabay tulak niya sa akin papunta sa dalawang lalaki. Bigla ko siyang sinuntok sa balikat. "Aray, ang sakit non huh!"

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon