Chapter 33- Let's stop this

1.3K 29 3
                                        

RAINE'S POV

Three inches nalang ang pagitan ng mga labi namin dalawa ni Marco ng biglang may namato. Natamaan sa mukha ang Loser ng isang libro. Natigilan kaming lahat at napalingon. Sino ang namato?

Nakatayong ang babae ang nakita ko. Ang savior ko ay walang iba kundi si Margarette.

"Bakit mo ako pinigilan?" tanong ni Marco.

"Wala lang parang mangulo." sagot niya.

Timing ang pagdating ni Margarette at napiligilan niya si Marco. Naiikat ako, mabuti ay dumating siya sagipin ako.

"Gusto mong ikaw ang halikan ko, instead na si Raine?" tanong ni Marco.

"Ano?" si Margarette na nakapamiwang ang isang kamay.

"Gusto mong pahalik sa akin?"

"Sure bakit hindi natin subukan?" sagot niya.

Namilog ang aming mga mata? Baliw ba sila? Akala ko si Margarette ang kaya niya lang gawin ay ang mangbully, tapos ngayon lumalandi narin siya.

Nagsimula na naman naging maingay ang paligid dahil sa bulungan ng mga classmates ko.

Lumapit si Margarette kay Marco. Ang babae pa talaga ang unang lumapit. Ewan ko pero sa ginawa niyang iyon hindi naman siya malandi tignan.

"Now kiss me." sabi ni Margarette.

"Is that what you want then I'll give it to you."

Teka! Ano to? Wag mong sabihin na maghahalik pa sila mismo sa harapan ko. Ito na ba ang effecto ng chocolate na pinakain ko kay Marco?

Hinawakan ni Marco si Margarette sa magkabilang balikat at unti-unti nang nilalapit ni Marco ang bibig niya kay Margarette. They looked so serious.

Sa tuwing nakikita ko silang gagawin ang bagay na iyon hindi ko mapigilan na hindi mainis sa kanilang dalawa. Parang akong mapapapraning.

Pumiglas ako kina Trisha at Clare na tulad ng iba ay tulala narin sa mga pangyayari. Mabilis kong hinati ang mahikang namamagitan sa kanilang dalawa at dahil sa ginawa kong iyon, matagumpay kong silang pinaglayo.

"Marco!" inis na wika ko.

"Raine.." gulat na wika ni Marco.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ko.

"Nagbibiro lang ako, wala akong planong halikan siya."

"Sa tingin mo maniniwala agad ako!"

Biro lang pala ang lahat, ginawa ninyo akong tanga sa reaksyon ko kanina. Pumunta ako sa upuan ko para kunin ang bag ko.

Dahil sa pinagagawa nila, nawalan na akong ng ganang pumasok sa afternoon class. Hindi ko maintindihan bakit ako nagkakaganito.

"Raine, galit ka ba?" natatawang wika niya.

Akala siguro ng Loser na to natutuwa ako sa ginawa niya. Hindi na ako nagsalita pa.

Sinuot ang bag ko sa likod at daling dumistansya sa kanya. Ayoko ko ng marinig ang paliwanag niya.

"Raine, Magsalita ka naman?" sabay hawak sa braso ko.

Nakukulitan na ako sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili kong itaas ko ang kamay ko sa pagnanais na sampalin siya ngunit tila bulong sa isip ko ang nagpipigil sa akin na wag kong gawin.

Mabilis din siyang dumepensa sa akin. "Raine wag ka namang manampal."

Nahihirapan akong makahinga dahil sa galit ko sa kanya. Labag man sa sarili ko, Binababa ko ang kamay ko.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon