Chapter 26- Date

1.5K 32 2
                                        

MARCO'S POV

Bakas sa mukha ni Raine ang pagdismaya nang makita niyang basang-basa ang damit niya. Yan ang bagay sayo, kung ano-anu kasi ang lumalabas sa utak mo. Meron bang date na ang susuot ng maid uniform. Mabuti ay naka-isip ako ng paraan para makapagbihis na siya.

"Hay naku! Porket yaya lang eh gaganyanin nalang ng amo. Ang sama talaga ng ugali." bulongan sa di kalayuan.

Anong pinagsasabi nila? Namis-interpret pa ako ng mga nakapaligid sa amin na masama ang ginawa ko kay Raine.

"Sa tingin mo... sino ngayon ang kontrabida ngayon Loser?" narinig din pala ni Raine ang usapan ng mga tao at nakuha pa niya akong pagtawanan.

Nakaka-asar!  "Kung alam lang talaga nila ang totoo, Ikaw talaga ang kontrabida dito!"

"Pasensya kana lang… Kasi mas mukha akong bida dito." sabay alis niya.

Iwan na naman niya ako. Ang hirap naman niyang kasama sa date, parang may sariling mundo. Laging nang-iiwan ng kasama.

"Hoy... Saan ka pupunta?" habol ko.

Hindi siya lumingon, nagpatuloy siya sa pag-alis. Nakakabadtrip talaga ang babaeng yon.

"Hoy Sir... bayad ninyo?!" sigaw ng waiter.

Tangina nakalimutan kong magbayad. Dali akong kumuha  ng pera sa wallet at binigay sa waiter. Namamadali akong lumabas para habolin si Raine. Ang babaeng yon, iniwan ako.

Nang makita ko siya sa tapat harap ng petshop na tumitigin sa mga naka display na mga pusa ay nilapitan ko agad siya.

"Hoy.. Pangit!"

"Anong Pangit?"

"Oo.. Pangit, simula ngayon, yan na ang nickname mo!"

"Do you want to die?"

"Bakit totoo naman huh. Tignan mo nga itsura mo? Pangit na nga pangit pa ng suot."

Napatingin siya sa salamin at tinignan ang sarili. Nakita ko ang lungkot sa mukha sa itsura niya na basang-basa.

"Kasalanan mo to! Sinabuyan mo ko ng juice. Nasira tuloy ang outfit ko!" Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya. "Hey.. Saan mo ko dadalhin?"

"Bibilhan kita ng damit para magbihis kana."

Pumiglas siya.

"Ayoko!" sabay talikod.

"Ayaw mo huh!" hinabol ko siya at binuhat.

"Hoy! Marco the Loser, Ibaba mo nga ako nakakahiya!" sigaw niya.

Pinaghahampas niya ang likod ko. Kahit medyo nasasaktan na ako ay tinitiis ko. Matigas ulo mong babae ka huh! Wala kang kawala sa akin. Magbibihis ka sa ayaw mo o sa gusto.

"Ngayon ka pa nahiya."

"Ibaba mo nga ako!" galit na utos niya.

"Wag na, baka tumakas kapa!"

Habang naglalakad ay nakakita na kami ng damit na mapagbibilhan. Maraming magagandang damit doon at kaya makakapili ang masungit na ito ng magandang damit. Binababa ko agad siya.

"Ang bigat mo." reklamo ko.

"Bakit sinabi ko bang buhatin mo ko? Tanga din noh." inirapan niya ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang kailan ba ako mag-aadjust sa ugali ng babaeng ito.

"Mamili ka na at magbihis." sabay upo ko sa upuan na malapit doon.

“Whatever.” umalis na siya sa harapan ko.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon