Chapter 46- Flag raising

1.1K 32 4
                                        

RAINE'S POV

[FIRST DAY OF INTRAMURALS]

Sa Likod ng stage. Maaga pa lang narito na kami sa school. Sobrang ingay ng paligid dahil ngayon ang unang araw ng intramurals namin.

"Raine, pumayag ka ng tumakbo sa flag raising."

"Denise, iba na lang ang patakbuhin ninyo.. medyo pagod pa ako kagabi dahil matagal kaming natapos." tanggi ko.

"Wala kasi kaming mahanap na tatakbo lalo na sa babae eh."

"Si Trisha? Mabilis din 'yon tumakbo."

"Hindi mo ba alam na injured siya kahapon, nahihirapan nga siyang maglakad ngayon."

"Eh si Margarette? athlete rin 'yon katulad ko."

"Swimmer 'yon si Margarette, baka matalo tayo."

Nakakaiyak naman! Hindi ko naman sila masisi lalo na't mabilis din kasi akong tumakbo at napatunayan yon dahil isa din akong baseball player. Ilang sandali ay lumapit sa amin si Edward.

"Raine, ano ready ka na?"

"Sa alin Edward?"

"Sa flag raising."

"Ayoko ko kasing sumali sa flag raising edward."

"Raine, ikaw na lang.. Alam kasi namin kung ikaw ang tatakbo, siguradong mananalo. Please," sabi niya.

Nasisilaw na naman ako sa gandang lalaki ni Edward. Lalo na kapag ginagamitan niya ako ng ngiti niya. Feeling ko parang nalulusaw ang puso ko na parang yelo. Labag man sa kalooban ko ay hindi ko maiwasang tumanggi sa offer niya.

"Okay papayag na ako."

Ngumiti na sila Denise at Edward.

"Salamat Raine, o sige maghanda ka na kasi malapit na ang flag raisng event."

Napataas ang isang kilay ko. "Teka, diba dapat may partner ako? Sino kasama ko mamaya sa pagtakbo?"

"Nakalimutan namin sabihin Raine, 'yon ang kasama mo," sabi ni Denise sabay turo sa lalaking nakatayo sa ilalim ng puno.

"Si Marco na naman? Pwedeng iba na lang kasi nakakasawa na ang pagmumukha niya eh." reklamo ko.

"Eh since malakas kang tumakbo, kailangan din na mabilis din ang partner mo. Si Marco ang pinili namin kasi parehas naman kayong baseball player diba?"

"Baka matalo kami kung siya ang kasama ko."

"Hindi yan mangyayari, alam kong kakayanin ninyong dalawa, may tiwala kami sa inyo," wika ni Edward.

Hay naku, nagsalita na naman si Edward. Para akong nalakasan ng loob sa sinabi niya.

"Pumayag na rin kasi si Marco, kaya okay na ang lahat. Please, twin." pagmamakaawa ni Denise.

Napabuntong hininga ako.

"Okay, may makakatangi pa ba ako. Malakas kayo sa akin eh." nakangiting wika ko.

"Yehey!" tuwang-tuwa silang dalawa na marinig ang desisyon ko.

Kapag silang dalawa ang makikiusap sa akin kahit kailan hindi ako makatanggi kasi mahal ko ang dalawang ito. Napangiti nalang ako.



SA School ground. Anim na team kami ang nakahilira dito sa school ground. Each year ay may kanya-kanyang representatives.

Dahil nga flag raising ito. Nagsuot kaming dalawa ni Marco ng jeysey namin para mas mabilis kaming makatakbo. Ang sa akin medyo maiksi lang ang shorts kasi ganoon talaga ang design sa babae at kulay blue. Kahit ang ibang team ganoon din ginawa nila.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon