Epilogue

1.8K 45 1
                                    

RAINE'S POV

Sa kwarto ko. Wala na akong ginawa kundi ang matulala sa mga picture na kuha ko mula kay Marco noong panahon na nililigawan niya ako.

Ang manhid kong babae bakit hindi ko man lang nakita ang effort niya sa akin. Masyadong akong naging manhid. Ang tanga kung bakit hindi ko napansin ang mga ibig sabihin ng tingin niya sa akin. Alam kong nasaktan ko si Marco pero ito lang ang alam kong magandang desisyon na tama para sa aming dalawa. Kong alam lang niya na gigil na gigil akong sagutin siya kanina.

Ang masakit sa lahat ay huli na ng malaman na mahal at kailangan ko siya. Pero naunahan na ako ng bestfriend ko. Mas una pa palang minahal ni Denise si Marco. Masakit man sa akin pero wala akong magawa kundi ang ipaubaya siya sa bestfriend ko.

~FLASH BACK~

Namamdali akong lumabas sa bahay dahil gusto kong balikan si Marco sa ospital. Paglabas ko ay nakatagpo ko si Denise sa harap ng gate namin.

"Raine, totoo ba na malapit ka ng ma gang-rape?" nag-alalang tanong niya.

"Paano mo nalaman?"

"Nagtext sa akin si Ryan kaya nalaman ko." lumapit siya sa akin. "Okay ka lang ba?"

"Wag kang mag-alala, okay na ako." sagot ko.

Mahinhin siyang ngumiti at tumingin sa aking mga mata.

"Mabuti naman, actually nandito ako dahil may gusto sana akong sabihin sayo. Pwede ba kitang makausap sandali." seryoso niyang wika.

Magandang pagkakataon ito dahil nandito na siya at nagkita kaming dalawa. May gusto rin akong sabihin sa kanya tungkol kay Marco.

"Tamang-tama may gusto rin akong sabihin sa'yo." sabi ko.

"Ganoon ba.. ikaw na maunang magsalita."

"Ikaw nalang unang magsabi.. since ikaw naman ang unang pumunta dito."

"O sige..." payag niya.

Masarap ang simoy ng hangin at malamig dahil gabi na ng mga oras na iyon. Nagpasya kaming dalawa na pumunta sa bakuran namin kung saan may bench na mauupuan upang doon kami mag-usap.

"Ang totoo nyan Raine, tungkol kay Marco ang dahilan ko kung bakit ako nandito." seryoso niyang wika.

"Bakit ano'ng tungkol kay Marco?"

Hindi ko akalain na parehong tao pala ang pag-uusapan namin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kasabay ng seryosong mukha nito.

"May kahilingan sana ako sayo Raine."

"Ano 'yon?" taka kong tanong.

"Matatapos na bukas ang panliligaw ni Marco sa'yo diba?"

"O-Oo." nauutal na sagot ko.

Kinakabahan ako sa tono ng pananalita ni Denise.

"Nagmamakaawa ako sayo Raine, hindi sa pinangungunahan kita.. sana sagutin mo na si Marco para sa akin. Please..."

Sarkastiko akong napangiti. Oh my god! Ito ang kinatatakutan ko sa lahat. Hindi ko maintindihan kong anong mararadaman ko sa hiling niyang iyon. Kung mabibigay ko ba o hindi. Naguguluhan ako.

"Bakit Denise?" malungkot kong tanong.

"Patawarin mo ko Raine, kung alam mo lang na mahal ko si Marco noon pa."

Para akong mababaliw sa sinabi sa akin ni Denise. Napadungo ako sandali bago bumalik na tumingin sa kanya na may lungkot sa mukha.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon