Chapter 31- Love letter

1.6K 32 12
                                        

MARCO'S POV

Tumungo kaming dalawa sa pangalawang letter sender. Tulad ng nangyari kanina, napatingin silang lahat sa pagpasok namin.

"Meron bang nag-ngangalang Kenneth dito?"

"Meron pa Ms.Vice." wika ng babaeng malapit sa kanya.

"Nasaan siya?"

"Wala pa siya hindi pa dumadating." Sagot niya.

"Ganun ba."

Napatingin siya sa relo. Ten minutes nalang mag se-seven thirty na, wala parin ito.

"Mamaya na kasi yan Raine, wala pa yung hinahanap mo."

"Maghintay muna tayo."

"Ano? Hihintayin mo pa yun."

"Bakit may problema?"

"Wala naman pero, baka matagal pa yun."

"Maghintay tayo ng five minutes."

Napabuntong hininga nalang ako. "Bahala ka."

Para hindi sumakit ang tuhod ko sa kakahintay. Humanap ako ng mauupuan.

"Saan dito ang upuan ni Kenneth?" tanong niya sa kanilang lahat.

"Doon." Sagot nila, sabay turo ng upuan sa bandang unahan.

"Okay. Thanks."

Ang kapal naman ng mukha ni Raine, di marunong mahiya.

"Hoy, Raine.. anong ginagawa mo?"

"Umuupo, hindi mo ba nakikita."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, hindi ka ba nahihiya... hindi natin to room!"

"Eh ano naman? hindi nga natin to room pero may hinihintay akong tao sa classroom na to."

"Wala ka talagang hiya."

"Alam mo tabihan mo nalang ako umupo dito para hindi lang ikaw ang nakatayo dyan... kung tutuosin mas nakakahiya ka."

Ilang saglit ay dumating na rin si Kenneth. Matangkad, Moreno at may itsura naman si Letter sender two. Lumapit ito kay Raine.

"Good morning Raine."

"Good morning din, anyway ikaw ba si Kenneth?"

"Yes, ako nga pretty girl and anong sagot mo?" nakangiting tanong nito.

Napatayo siya at ganoon din ako.
"Before ko sagutin ang tanong mo may gustong sana akong itanong sayo."

Medyo bakas sa kanya mukha ang pagtataka pero nakuha parin niyang mapangiti. "Ano yun?"

Humakbang si Raine ng isang beses sa kanya. "Naligo ka ba?"

Napakunot-noo si Keneth. "B-bakit mo naman na tanong yan?"

"Kung hindi ako nagkakamali, puyat ka kagabi at dahil puyat ka tinanghali ka ng gising... At dahil tinanghali kana ng gising hindi mo na nakuhang maligo. Tama ba ako?" habang tinitigan ang kanyang mga mata.

Natawa si Keneth. "Putang-ina kaya gusto kita eh, bukod sa maganda ka magaling ka ring manghula."

"Actually hindi sa akin issue ang hindi ka naligo. I have a question are you a dota player?"

Matagal siya bago nagsalita.

"Oo.. Dota player ako."

"Ah... Kung hindi ako nagkakamalli napuyat kagabi sa paglalaro ng Dota nuh?"

"Bakit napunta tayo sa topic na ganito?" napakunot-noo tanong nito.

Napailing si Raine. Nawala na tila nawalan ng interest sa kanya. Kinuha ang pentel pen sa bulsa at may sinulat sa likod ng love letter nito.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon