RAINE'S POV
Hawak ang manubela ng bike ko ay nandito kaming dalawa ni Marco sa tapat ng bahay ni Denise. Gusto kong bisitahin ang bestfriend ko dahil meron akong importanteng sasabihin sa kanya.
"Balikan mo lang ako dito after one hour." bilin ko kay Marco.
"Hihintayin nalang kita dito sa labas." sabi niya.
"Umuwi ka muna dahil baka mabagot ka lang dahil medyo matatagalan kami ni Denise sa pag-uusap."
"Tawagan mo nalang ako kung gusto mong kunin kita dito."
Kalmado akong tumango ako at hindi na nagsalita pa. Kahit na hindi ko sabihin na sunduin niya ako. Alam kong kusa niya akong pupuntahan dito dahil pinagbilin ako ni Mommy at Daddy sa kanya. Simula nang nakatira na siya sa bahay ay hindi na halos na kami magkahiwalay ni Marco.
Ilang saglit nang naka-alis na si Marco ay pumasok na ako sa bahay nila Denise para makausap siya. Nang magkita na kami ni Denise ay dinala niya ako sa kwarto niya para doon ko ilabas ang saloobin ko tungkol sa nangyari na confession ko kay Edward. Naka-upo kaming dalawa sa kama niya.
"Ang tanga-tanga ko, nakalimutan ko na bawal pala sa amin ang magkaroon ng relasyon sa kapwa officer." nakadungong sabi ko.
"Ngayon ko lang din nalaman na bawal pala yon."
"Ang nakakabigla Denise, may girlfriend na pala siya."
“Ganoon ba…” mahinang sabi nito.
Napadungo din si Denise at mukhang malungkot din habang nagkwe-kwento ako tungkol sa nangyari kahapon.
Napatingin siya sa akin. "Sinabi ba niya sayo kung sino ang girlfriend niya?" malumanay niyang tinig.
Napa-iling ako ng dalawang beses bago mapatingin sa kanya. "Hindi niya sinabi sa akin dahil secreto daw ang relasyon nilang dalawa…" paliwanag ko.
"Ganoon ba…" napadungo ulit siya at tila nangungusap ang mga mata nito.
Napalunok ako. "Mag-iisang buwan na pala sila bukas… ang swerte ng babaeng yon dahil may Edward na siya."
Hinwakan niya ang kamay ko. "Baka hindi talaga si Edward para sayo Raine, hindi kaya nandyan lang sa tabi-tabi ang nakatadhana para sayo pero hindi mo lang nakikita." mabait niyang tinig.
"Pero si Edward lang ang nakikita ko Denise, Siya lang at wala ng iba." mariin kong wika.
"Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya.
"Maghihintay parin ako kay Edward… Siya lang ang gusto ko at wala nang iba." despiradong wika ko.
Napadungo ulit siya at hindi makatingin sa akin. Mukhang malungkot din siya sa balita ko. "Ganoon ba, mahal na mahal mo talaga siya..."
"Akalain mo, ang babae malakas mangbasted noon. Siya na rin ang nabasted ngayon."
"Anong gagawin mo kung malaman mo kung sino ang girlfriend niya?" tanong niya.
"Sasabihin ko na ang swerte niya at sana hindi niya saktan si Edward."
"What if kung malaman mo na ako ang girlfriend niya, example lang."
Medyo nabigla ako sa tanong niyang iyon at tinitigan siya sa mga mata. Mukhang seryoso siya sa tanong na iyon pero hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon sila ng relasyon ni Edward, dahil kilala ko si Denise. Kapag may problema siya ay sinasabi niya agad sa akin.
Siya mismo ang nagsabi sa akin na wala sa kanya ang priority ang magkaroon ng boyfriend hangga’t hindi pa siya nakakapagtapos ng pag-aaral.
"Wag ka naman magbiro ng ganyan Denise, Tatanggapin ko kahit sino ang maging girlfriend niya... please wag lang ikaw." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)