Chapter 10- Edward's Confession

2K 47 2
                                        

DENISE'S POV

SA CLASSROOM. Tuwing matatapos kaming kumain ni Raine ay bumabalik na siya sa classroom para ayusin ang nagloloko daw niyang camera. Raine loves photograpy kaya pag may oras siya, pagkukuha ng litrato niya ang ginagawa niya.

Ako naman dito sa clinic minsan ay natutulog ako dito. Tumakbo ako sa clinic habang wala sila Margarette na mag bubully sa akin.

Nakahinga na ako nang maluwag nang nakapasok ako sa loob ng Clinic. Wala si Ma'am Kathy siguro naglunch pa siya.

Naisipan kong humiga sa mga bed ng Clinic. Pagbukas ko ng kurtina. Nagulat ako dahil nandoon si Edward sa kama nakahiga. Bigla kong binitiwan agad ang kurtina. Kinabahan na ako at nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit nandito siya? Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Noong hinalikan niya ako habang nakunwari akong tulog pa.

Ayoko ko siyang makita kailangan kong umalis dito. Papaalis na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako papunta sa loob ng kurtina.

Si Edward ang humila sa akin. Sa lakas niya nakuha niya akong ipaupo sa kama. Nagulat ako at napatingin sa kanya. He looked so serious sa tuwing nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko na alam ang gagawin.

Masyado akong naiilang sa mga titig niya kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Tinabihan niya ako sa kama.

"Wag kang mag-alala wala akong gagawin sayo." mahinahon niyang wika.

"Bakit mo ko hinila dito?" tanong ko pero nakababa pa rin ang paningin ko.

"I'm sorry Denise," sabi niya.

"Sorry saan? Sa paghila sa akin?" tanong ko.

"Hindi sa paghalik ko sayo dito kahapon."

Bigla akong napalingon sa kanya. Sasampalin ko na sana siya pero mabilis ang kamay niya para mapigilan ang kamay ko.

Gusto ko siyang sampalin dahil bigla na lang ako nakaramdam ng pagbabastos ngayon na dapat kahapon ko pa ginawa.

"Bakit mo ginawa 'yon?" inis na sabi ko.

"I'm sorry Denise pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko," sabi niya habang hawak ang kamay ko.

"Bakit mo ko hinalikan?"

"Dahil may gusto ako sa'yo at hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong paghalik sayo," halos hindi ako maka-imik sa sinabi niya.

Kaya pala niya ako hinalikan dahil may gusto siya sa akin. Biglang pumasok sa isip ko si Raine ang sumpaan namin na hindi kami pwedeng magkagusto sa isang lalaki. Hindi maari ito, bawal ito. Biglang akong pumiglas sa mga kamay niya.

"Layuan mo ko!" tumayo na ako sa kama at naisipang umalis na para makaiwas sa kanya.

Papalabas na ako kwarto ng niyakap niya ako mula sa likuran ko. Hindi ko maintindihan pero sa mainit niyang yakap ay parang nawala ang galit ko.

"Sorry kung nagalit kita. Gusto ko lang malaman mo anong feelings ko sa'yo."

Biglang lumambot ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Gusto kong malaman din niya ang nararamdaman ko sa kanya pero ayoko kong masira ang kasunduan ginawa namin ni Raine.Kailangan ko siyang itaboy palayo sa akin.

"Bitiwan mo ako! Wala akong gusto sayo!" pumiglas ako sa mga yakap niya.

Tinulak ko siya palayo sa akin. Bakas sa mukha niya ang lungkot sa ginawa kong iyon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa akin ito ang makakabuti sa lahat. Patawad Edward pero kailangan kong iwasan ka. Mabilis akong lumabas sa Clinic.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon