MARCO’S POV
Pagdating namin sa classroom. Wala pala clase sa first period. Salamat pwede pa ako makapagpahinga ang utak ko. Nilagay ko ang bag ni Raine sa upuan niya.
"Bakit ngayon ka lang Raine?" tanong ni Denise.
Ang mahal kong Denise. Ang bag niya sana ang dala ko hindi sa malditang pangit na ito.
"Ang tagal kasi ng loser nato. Late na kasing dumating."
"Ganun ba. Marco simula ngayon 'wag ka nang ma-late." sabi ni Denise.
"Huh? Eh.. Hindi ko naman siya sinabihan na hintayin niya ako sa gate."
"Eh.. Sa ayoko sa mga taong late eh, may problema ba don?" nakakunot noo tanong ni Raine.
"Okay. Okay."
Kung hindi dahil sa bestfriend mo hindi talaga ako susunod sayo. Sa badtrip ko ay lalabas muna ako para magpahangin.
"Where are you going?" tanong ni Raine.
"Sa C.R bakit sasama ka?"
Inirapan niya ako. Bahala siya nagpatuloy ako sa paglabas sa classroom. Bigla akong nakaramdam nang gutom kaya nagpasya akong pumunta ng Cafeteria para kumain nang makasalubong ko si Ryan.
"Pre.. mabuti ay pinaalis ka ni Raine." sabi niya.
"Nagsinungaling kasi akong magbabanyo ako."
"Ahh kaya naman pala.. Pasensya na Boss di ako makatulong sayo."
Umupo kami sa upuan na malapit sa amin.
"Wala 'yon.. ayoko rin na may tumutulong sa akin."
"Alam mo tungkol kay Raine.. Gawin mo na lang ang utos niya."
"May magagawa pa ba ako, alam mo balang araw makakaganti din ako sa mayabang na yon. Nakaka-inis siya!"
"Gusto mong makaganti sa kanya?" sabay kibit balikat niya sa akin.
Medyo napaisip ako sa facial expression niya na para bang may masama siyang binabalak.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ko.
"Meron akong na-iisip para makaganti sa kanya."
"Ano?"
"Bakit di mo totoohanin ang pangliligaw sa kanya."
Napakunot-noo ako. "Totohanin ko ang pagliligaw sa kanya? Baliw ka ba?"
"Oo. Tutuhanin mo tapos Pagna-inlove siya doon mo siya saktan, edi nakaganti ka nah."
"Ayoko ng gano'n!"
"Magpapanggap kalang naman. Kapag inlove na inlove siya sayo na halos magmakaawa siya na siya na lang. Doon mo siya saktan syempre pipiliin mo si Denise kasi siya naman talaga ang mahal mo diba?"
Sa sinabi ni Ryan. Ini-magine kong nagmamakaawa sa akin si Raine.
Nakaluhod daw si Raine sa akin.
"Marco. Please be mine."
Natawa ako sa imagination ko. Ang malditang pangit na iyon? Luluhod sa akin magmamakaawa? Mukhang magandang idea 'yon.
"Alam mo may idea ka subukan ko kaya."
"Wag mong subukan gawin mo na lang Boss. Marami akong kilalang ganyan ang ginawa naging effective halos taon bago naka-move on."
"Sure ka effective 'yan?"
"Oo.. pero dapat hindi niya na hahalata, kung baga liligawan mo siya na parang totoo, iparamdam mo sa kanya na ginagawa mo ito para sa kanya at hindi para sa bestfriend niya. Hanggang ma-inlove siya sayo."
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Ficção AdolescenteMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)