DESCLAIMER : Warning. This chapter contains trigger or sensitive scene. Wag gagayahin.
RAINE'S POV
Sa wakas, nakarating din ako sa bahay ko. Suot ang uniform ko na basang-basa at sobrang dumi. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang narurumihan ako. Pagpasok pa lang ako galing sa pinto ay sumalubong na agad sa akin si Mommy.
"Raine, ano'ng nangyari sa uniform mo?" tanong niya.
Patuloy akong naglakad papuntang sala. Sumunod si Mommy para makausap ako.
"Kung alam mo lang mom, today is a bad day."
Napaupo muna ako sa sofa para makapagpahinga. Mukhang napa-isip pa siya bago magsalita.
"Diba, lagi naman bad ang day mo?"
"Mom naman! pati ba naman ikaw. Gustong sirain ang araw ko?" napakrus ako ng braso.
"Nasanay lang ako na kada uwe mo, lagi kang may problema." napaupo rin siya sa kabilang upuan.
"Problema?" bahagyang tumaas ang isang kilay ko.
"Oo, kada uwe mo. Kung hindi problema sa kaaway mong babae, mga lalaking manliligaw mo nangugulo sayo. Gra-graduate ka na lang this year, di ka pa nawawalan ng problema at suki ka pa ng guidance." sermon sa akin ni Mommy.
Ganito talaga kaming dalawa like every day walang araw na hindi ko nakakatanggap ng sermon mula sa kanya. Hanggang nasanay na rin ako.
"Because they are annoying..."
"Magbago ka na Raine! kaya hindi ka nagkaka-boyfriend."
Inaamin kong totoo ang sinabi niya na lagi akong nasasangkot sa gulo sa school but I have my own reasons. Masyado na siyang personal. Bakit parang papunta na ang usapan namin tungkol sa lovelife ko?
"Ayokong magbago, gusto kong sila ang mag-adjust sa akin."
"Hay... nagmana ka talaga sa daddy mong matigas ang ulo!"
Tumayo siya at may parang kinuha sa cabinet. Binalikan niya ako sa sofa.
"Bukas, maghanda ka nang susuotin sa party." inabot niya sa akin ang isang sobre.
"Party?" unti-unti ko nang binuksan ang sobre ng invitation letter.
"Birthday nang matagal na kaibigan ng dad mo. Dapat maganda ka bukas."
"No need mom, maganda na ako." sabay hawi ng buhok ko.
"Hay, nagmana kada sa dad mong mayabang."
Napangiti na lang ako. Ganito talaga ako kay mommy basta naglalambing. Iniinis siya. Marami pa kaming napag-usapan at napagpasyahan kong sasama ako sa party na pupuntahan nila.
SA isang Five star hotel kasama ang pamilya ko ay dumalo kami sa isang kaarawan ng dating matalik na kaibigan ng daddy ko. I have no idea na may matalik palang kaibigan ang dad at isa na daw ngayong successful na negosyante.
Maraming dumalo sa okasyon at halos lahat ng mga ito ay masasabing kong mayayaman at mukhang nangaling pa sa malalayong lugar. Habang ibang Guest ay pormal na nag-uusap at nagtatawanan, Ako naman ay nabobored at gustong ng umuwi. Nilapitan ako ni Mommy na may dala pang drinks.
"Raine, bakit nandyan ka lang?"
"Mommy, naboboring na ako dito." habang nakaupo sa isang table na ako lang mag-isa.
"Raine, Sa ganitong event dapat makipag-usap ka din sa mga bisita, para ma-socialized ka rin pa minsan-minsan." wika ni Mommy.
"Mommy, paano ako makikipag socialized nito, tignan n'yu nga mga bisita. Eh parang ako lang siguro high school students dito," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)