MARCO'S POV
Sa upuan na ikina-uupuan ko hindi ko mapigilan na hindi makatulog kaya napadungo ako muna at natulog. Ilang saglit may kumalabit sa balikat ko na tila nangigising sa akin. Pagtingin ko sa paligid ay lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Mr. Montellier, bakit ka natutulog dito?" strictang tanong Ms. Reyes na nakapamiwang pa.
"Wala akong tulog kagabi." sagot ko.
"Baka naman nagdate sila ni Raine kagabi kaya absent din 'yon." sabat ni Margarette.
Ang bully na Margarette masyadong papansin, nakikisali pa sa usapan namin ni Ms. Reyes. Napatingin din ako kay Denise na katabi ko tinatabunan niya ang bibig niya ng kamay.
Hindi ko man nakikita ang bibig niya halata naman sa mga mata na pinagtatawanan niya ako. Nakaka-asar talaga ang mga babae sa buhay ko. Hanggang sabay-sabay na silang nagtawanan lahat.
Nakakabadtrip na talaga kung hindi nila alam na ako ang siga sa dati kong school at ngayon nakuha nila ako pagtawanan ng ganito. Sino ba kasing Raine na yan kanina ko pa naririnig ang pangalan niya dito?
"Quite! quite class!" pigil ni Ms. Reyes sa maiingay na classmate ko.
Ilang segundo lang ay nag bell na kaya kanya-kanya na silang ligpit ng gamit at umalis na rin si Ms Reyes. Ang sarap sapakin ng ding-ding na ito! Sa inis ko ay lahat ng madaanan kong lalabas ay binungo ko.
Wala akong pakialam kong sino ang mabubungo ko ay kasalanan nila 'yon kasi nakaharang sila sa dinadaanan ko. Ang una kong binungo ay si Margarette na bully.
"Hey! di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" reklamo niya.
"Kasalanan mo nakaharang ka!" sabay alis ko.
"Go to Hell!" sigaw niya.
Narinig ko ang sinabi niya pero hindi ko siya pinansin yan ang bagay sayo bully ka. Nagpatuloy pa rin ako sa paglakad at ngayon medyo gumaan na pakiramdam ko na nakaganti ako sa kanila. Habang papalabas ng gate. Gusto kong ibalik ang dati kong gawain sa huling school na pinasukan ko.
May nakita akong lalaking nakadungo kong maglakad kaya ng malapit na ako sa kanya bigla kong tinulak ang ulo niya. Nabigla at nadismayang napalingon sa akin.
"Ano papalag ka?!" pananakot ko sa kanya.
Natakot siyang sumagot kaya iniwan ko na. Duwag naman pala. Nakalabas na ako ng gate at may nakita akong maliit na tindahan kaya napadaan mo na ako para bumili ng sigarilyo.Habang nakatayo sa tindahan napansin ko sina Margarette at kasamahan niya na ina-aakbayan si Denise habang masayang naglalakad hindi kalayuan sa gate ng school namin.
Teka. Bakit kasama nila si Denise?
Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina kong saan pinagbabato nila ng papel ang mukha ni Denise. Mukhang ibubully na naman nila ang babaeng iyon.
Hindi ko maintindihan pero na-isipan kong sundan sila at itapon ang sigarilyong hit-hit ko. Pumunta ako sa garage ng motor at pinaandar ang itim na motor ko na bago ko pang bili.
Hinabol ko sila. Nang masilayan ko silang tatlong natatawanan at si Denise ay nakadungo lang. Binilisan ko ang pagpapaandar ko at bumusina ako ng malakas.
Sa sobrang lakas ng busina ko napalingon silang tatlo. Nang makita nila akong mabilis na papalapit sa kanila at mukhang babangain sila madaling nabuwag ang grupo nila. Mabilis naman akong pumreno sa kalignaan nilang lahat.
"Hindi mo ba kami nakikita? malapit mo na kaming mabanga!" galit na Margrette. Nang tanggalin ko ang helmet ko. Nabigla silang lahat. "Ikaw na naman! lalaking pakialamero!"
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)