[ Night before the exam. ]
Flashback scene...
DENISE'S POV
Nahiga na ako sa kama ng tumunog ang phone ko na nasa likod ng unan ko.
Edward is calling...
"Si Edward ito." sabay sagot ng phone.
Me : "Hello?"
Him : "Denise naman! Bakit ka pa pumayag?"
Me : "Sa alin?"
Him : "Doon sa bet!"
Napabuntong hininga ako. Expect kong magagalitbsiya ng ganito.
Me : "Naawa kasi ako kay Raine, napansin ko kasing napre-pressure na siya kaya pumayag ako."
Him : "Pero dapat hindi kana pumayag para wala na tayong problema."
Me : "Magtiwala tayo kay Raine, kilala ko ang bestfriend ko. Competitive 'yon! Ayaw niyang natatalo kaya huminahon ka lang, Okay?"
Him : "Pero.. natatakot ako baka maging girlfriend ka na ni Marco."
Me : "I can handle this okay... Trust me, please Edward."
Matagal siya bago nagsalita. Nagtatampo siguro siya sa akin.
Me : "Please, wag kanang magalit," suyo ko.
Him : "Okay, ipagdadasal ko nalang na sana manalo si Raine bukas."
Napangiti ako. Masaya ako dahil madali niya akong naiintindihan. Yun din ang dahilan na gustong-gusto ko si Edward dahil palagi niya akong naiintindihan.
Me : "Salamat, I love you Edward."
He : "I love you most." sagot niya.
Para akong lumilitaw sa hangin sa sobrang saya. Marami pa kaming pinag-usapan hanggang nagpasya na kaming mag-goodnight at magpaalam na. Kailangan naming matulog ng maaga para sa exam bukas.
RAINE'S POV
Nanghina ang buong katawan ko at parang nagmanhid ang bibig ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano o dapat ang magiging reaksyon ko. Hinawakan ni Margarette ang balikat ko.
"Wag kang mag-alala Raine, makaka-move on ka rin." sa tono nang pananalita niya ay halatang pang-aasar iyon sa akin.
"Shut up!"
Ngayon unti-unti na akong natatauhan sa pangyayari. Sa tuwing nakikita ko si Marco na masayang-masaya na kaakbay si Denise. Hindi ko maiwasang malungkot. Nabigo ko si Denise, na nag-aakalang matatalo ko si Marco.
"Denise, I'm sorry!" naluluhang wika ko.
"Ano ka ba! okay lang... Mabait naman si Marco."
"Hindi! Hindi ko kaya!"
"Raine, hindi naman ako mawawala eh, magiging girlfriend niya lang ako. Magkikita pa naman tayo araw-araw."
Inagaw ko si Denise kay Marco. At niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.
"Ma-miss kita Denise, Simula ngayon si Marco the Loser na ang palagi mong makakasamang pauwi."
Niyakap din niya ako. "Malapit lang ang bahay natin, makikita pa tayo."
Nasa kasagsagan kami ng drama ng bestfriend ko ng hinila ni Marco si Denise papalayo sa akin. Hindi pa siya na kontento at tinulak ang noo ko papalayo sa sa kaibigan ko.
"Andami mong drama Raine, hindi ko naman kakainin ang bestfriend mo... Mas aalagaan ko pa nga siya eh." masaya niyang wika.
"Ano'ng aalagaan? Ikaw nga ang mukhang aalagaan eh, kasi mukha kang aso!"
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)