Chapter 57- Movie

1.2K 43 7
                                        

RAINE'S POV

Sapagkat wala akong magawa at nabobored ako. Pinagtripan ko si Marco na picturan siya habang naglilinis ng bahay. Nang picturan ko siyang na nakasuot ng uniform ko. Nacucutan talaga ako kay Marco pero ng nagmaid uniform mas lalo akong nacutan sa kanya. Kaya inabangan ko siya sa pagbaba ng hagdan habang nakaupo ako sa sofa.

Ang Loser marahil kapag naging babae siya sa pangalawang pagkakataon at ako ay naging lalaki, liligawan ko talaga siya. Wala siyang kaalam-alam na anumang ginawa niyang paglilinis ay palihim akong kinukunan siya ng litrato.

Nagwawalis siya sa sala.

Nagpupunas ng sahig.

Nagpapagpag ng alikabok.

Naghuhugas ng plato.

Nagdidilig ng halaman sa labas.

Nagsisibak ng kahoy sa nahulog na sanga ng punong manga sa bakuran.

Nagwawalis sa labas.

Hindi lang yan ang mga nakunan kong litrato mula sa kanya. Meron din namang iba.

Nagpupunas siya ng pawis.

Umiinom ng tubig.

Nakaupo para magpahinga.

Nakatingin sa cellphone.

Nagkakamot ng ulo.

Nakanguso.

Nakasimangot.

Nakangiti.

At meron ding nakatingin sa akin.

Nahuli niya akong pinipicturan siya. Nasa bakuran ako ng mga oras na iyon.

"Ano ba! wag mo nga akong picturan!" inis na wika niya.

Pero tinawanan ko siya. "Isa gusto ko eh, collection ko to!"

"Ano bang gagawin ko dyan sa picture ko?" tanong niya.

"Ipo-post ko sa facebook."

"Wag mong ipost, nakakahiya naka suot ako ng maid uniform."

Tumawa ako."Sa album pwede?"

"Bahala ka kung saan mo ilagay basta wag lang sa facebook."

"Okay." masayang sabi ko.

Matapos noon ay nagpasya na akong itigil ang pagnanakaw ng picture sa kanya. Nakakapagod din kaya. Malapit na rin ma lowbat ang camera ko.

"Nagugutom kana?" tanong niya.

"Oo."

"Magluluto na ako ng paborito mong sinigang."

"Teka, marunong ka bang magluto."

"Oo, natuto ako kanina habang nagluluto ang mommy mo kanina."

"Isang beses marunong kana?"

"Gusto kong matutong magluto kasi katulad ng Mommy ko."

Palagi kaming magkasama ni Marco pero hindi ko pa siya natatanong tungkol sa parents niya.

"Nasaan na ba ang Mommy mo?" tanong ko.

"Wala na siya, patay na."

Nakaramdam ako nang lungkot nang marinig ang tungkol sa Mommy niya.

"Sorry natanong ko pa."

"Wala 'yon nasa langit na siya, doon wala ng mananakit sa kanya."

"Pwedeng magtanong ano bang kinamatay niya? Nacu-curious lang ako."

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon