DENISE'S POV
Abala ako sa paglilinis ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto.
“Sino 'yan?” tanong ko.
"Ate, nandito na si kuya Edward!" tawag ni Darren na kapatid kong lalaki.
Hindi ko inaasahan na maagang bibisita ngayon si Edward. Simula na maging kami ni Edward ay tuwing weekends siyang bumibisita sa bahay namin.
Ito ang naging kasunduan namin upang maging lihim ang relasyon naming dalawa at walang makaalam.
"Sabihin mo papunta na ako!" sigaw ko.
Tinapos ko muna ang paglinis bago bumababa. Paglabas ko ng kwarto bumugad na sa akin ang matatamis niyang ngiti.
Napangiti din ako ng makita siya. "Oh, aga mo ngayon."
"Ang totoo nyan dito ko kasing gustong mag-almusal may dala pala akong pandesal." pinakita niya sa akin ang dala niyang isang supot ng pandesal.
"Hay naku nag-abala ka pa."
Binigyan niya ako na magaan na ngiti.
"Sige, magtitimpla na lang ako ng kape." sabay punta sa kusina.
"Nandito ka pala Edward." si Mama naghahanda ng almusal.
"Magandang umaga po." bati ni Edward.
"Magandang umaga rin, kumain ka na hijo?"
"Wala pa po pero may dala po akong pandesal." nakangiting wika niya.
"Denise, asikasuhin mo bisita mo."
"Ano bang ginawa ko? nagtitimpla na nga ako ng kape."
"Hijo..Hindi ba magagalit ang mga magulang mo nandito ka?" tanong ni Mama kay Edward.
Napahinto ako sa ginagawa ko. Ano bang klaseng tanong iyan?
"Wala po sila sa bahay, busy sa work. Pumunta ako dito para may makasamang kumain."
"Ay kawawang bata.. sige hijo, umupo ka sabay tayong mag-almusal." nakangiting wika mama.
Parang nakahinga kami ng maluwang ng nagyaya na si Mama ng kain. Akala ko magagalit siyang maaga si Edward dito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Ako din gutom na rin ako eh." daing ni Darren.
Hay naku may dumating na asungot. Kahit paano sumaya rin ang bahay kahit paano kahit wala na si Papa at nasa kabilang buhay na.
Sa sala matapos kumain. Napaupo muna kami ni Edward sa upuan naming para manood ng T.V.
"Denise." malumanay niyang tawag sa akin.
"Bakit Edward?" tanong ko.
"May gusto sanang sabihin sayo."
Napatingin ako sa paligid. Mabuti malayo si Darren sa amin at si Mama umalis para magtrabaho.
"Ano'ng gusto mong sabihin?"
"Sana wag mong sasabihin sa kahit sino ang secreto kong ito."
"Ano bang secreto yan?" sa totoo lang kinakabahan ako lalo na ang seryoso ng mukha niya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Tungkol sa kumakalat na picture nila Marco at Margarette, Ang totoo nyan ako ang may gawa nun." pagtatapat niya sa akin.
Halos hindi ako makapagsalita habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya ginawa iyon?
"B-bakit mo 'yon ginawa?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)