MARCO'S POV
Papalabas na ako ng gate nang makita ko si Margarette mag-isang naglalakad. Himala hindi niya kasama ang mga barkada niya. Sinabayan ko nalang siyang maglakad.
"Queen bully!" tawag ko sa kanya.
"Can you please stop calling me like that!" lingon niya sa akin.
"Isa gusto ko eh.. May magagawa kaba?" asar ko.
"Tss.. Don't go near me, baka pagkamalan ng iba dyan na boyfriend kita!"
Natawa ako. Inirapan niya ako at nagsimulang maglakad muli. Habang sumasabay akong papalabas ng gate kasama siya.
"Gusto ko lang magpasalamat sayo kanina." wika ko.
Bigla siyang napahinto sa paglakad. "For what?" taas kilay niyang tanong.
"Tungkol sa bet namin ni Raine kanina, mabuti na kaisip ka ng paraan na patunayan kong hindi ako tanga," napamulsa kong wika.
"Yun lang ba? Ginawa ko 'yon dahil may utang na loob ako sayo. Kaya wag mong bigyan ng malisya 'yon."
Napakamot agad ako sa ulo. "Okay, alam ko naman 'yon."
"About the bet... please don't lose to her, dahil baka masayang lang effort ko kapag natalo ka. Naiintindihan mo ba?"
"Oo nga noh.. salamat sa paalala."
"Don't blame me kapag natalo ka," stricta niyang wika.
Ang tapang din ng babaeng ito kong magsalita. Walang pinagkaiba kay Raine. Ang tataas ng pride. Ilang sandali ay may humintong sasakyan sa harap namin. Kulay itim at may lumabas na matandang lalaki.
Nakakalula ang tangkad at matipuno. Napalunok ako ng tumingin sa akin ang matandang lalaki. Ang stricto niya kong makatingin.
"Who's with you Margarette?" malaking boses nito.
Parang lilipad ang kaluluwa ko sa timbre ng boses niya, Nakakatakot. Nakuha pang tumingin sa akin si Margarette bago lumapit sa matandang lalaki.
"My classmate dad, His name is Marco." sagot ni Margarette.
"Hindi mo ba siya manliligaw?"
"Hindi po Dad.. classmate ko lang talaga siya."
Natahimik ako dahil ayokong magkamali.
"Ganun ba." wika ng matanda.
"Magandang hapon po..Sir." mabait kong bati.
Pinilit kong batiin ang daddy ni Margarette baka isipin niyang masama ang ugali ko. Pero sa bati kong iyon hindi man lang ako pinansin at tahimik na bumalik ulit sa kotse.
Sinenyasan ako ni Margarette na umalis na at lumayo kaya ginawa ko nalang. Nang tuluyan ng umalis ang kotseng lulan silang dalawa, doon pa sumabog ang utak ko.
"Grave naman ang Daddy ni Margarette, ang yabang!"
Nakakabadtrip ang matandang yon. Ang taas ng tingin sa sarili, hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang ugali ni Margarette kasi nagmana talaga siya sa mga magulang niya.
Napailing ako pinuntahan ang motor ko. Kailangan kong umuwi ng maaga lalo na't mag-aaral pa ako.
RAINE'S POV
Sa kwarto ko. Nag-stretching muna ako bago umupo sa study table para hindi ako antukin.
Nagtimpla na rin ako ng coffee para mas magising ang utak ko. Paghablot ko ng libro sa bag ko. Ang nahablot ko ay isang book na nabili ko sa date namin ni Marco.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)