Chapter 60- Regalo

1.1K 32 12
                                    

MARCO'S POV

Sa sala nakita ko nanunuod ng kdrama si Malditang pangit. Tumabi ako sa kanya sa pag-upo sa sofa.

"Anong pinapanood mo?" tanong ko.

"Patayin ang magtanong." sabay kain niya ng junk foods niya.

"Niloloko mo na naman ako eh." kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig ng babaeng ito.

Natigil siya sa pagsubo ng junk foods na hawak niya. Lumingon siya sa akin. "The heirs." matipid niyang sagot.

"Okay."

Habang nanunuod ako ng TV kasama si Malditang pangit. Nakita ko si Lee min ho, na umaaking sa drama. Napalingon ako kay Raine na mukhang kinikilig habang nanunood.

"Kamukha ko si Lee min Ho." sabi ko para magpapansin.

Tumaas ang kilay niya na lumingon sa akin.

"Ang kapal! Ang layo kaya ng mukha ninyong dalawa."

"Basta kamukha ko si Lee min Ho." pilit ko.

Hinarap niya ako habang nakaupo kami sa sofa. "Duh... Mas kamukha mo kaya ang driver nila Lee min ho." asar niya.

"Mas kamukha mo yung yaya nila!" asar ko din.

"Ikaw! kamukha mo yung plato nila!"

"Tss... Kamukha mo naman ang baso nila!"

"Duh... Mas kamukha mo naman ang inidoro nila!" sigaw niya.

"Tumahimik nga kayo para kayong mga bata!" sigaw ni Mommy na nasa likod namin.

Napatikom kami dalawa ni Raine ng bibig. Hindi namin namalayan na malakas pala ang mga boses naming dalawa.

"Matulog na kayong dalawa sa kwarto!" suway ng mommy ni Raine.

Napakunot-noo si Raine at masama na ang tingin sa akin. Wala akong pakialam kong galit siya sa akin. Hindi na ako apektado dahil sanay na ako sa ugali niyang ganito. Para maka-iwas sa kamalditahan ng babaeng ito ay una na akong tumayo. Sa pagtayo ko ay tumayo din siya. Nauna akong naglakad papuntang hagdan at sumunod naman siya.

"Loser!" asar niya.

"Pangit!"

"Loser!"

"Pangit!"

"Loser!"

"Pangit!"

"Tumahimik na kayong dalawa!" sigaw ulit ng mommy ni Raine.

Ang spoiled brat na si Raine ay hindi nagpapigil sa pang-aasar sa akin, gusto niya talaga na binubully ako.

"Loser! Loser! Loser! Loser! Loser! Loser! Loser!" asar niya habang papaakyat kami sa hagdan.

"Pangit! Pangit! Pangit! Pangit! Pangit! Pangit!" asar ko din.

Nang mabukasan niya na ang pinto ng kwarto ay bigla niya akong tinulak. Sa sobrang lakas ng tulak niya sa akin. Tang-ina, Nasubub ako sa sahig sa tulak ko niyang iyon. Bwesit tlaga ang babaeng ito kahit kailan!

"Goodnight Loser!" paalam niya.

"Walang hiya ka Raine!"

Mabilis akong tumayo pero bago ko pa siya maabotan ay nakapasok na siya sa kwarto niya at sinara ang pinto. Tangina lagi akong na-iisahan ng maldita na yon! Salabahe kahit kailan ang babaeng ito nakakaasar. Naririnig ko pa ang tawa niya sa loob. Naku kung hindi ko lang siya crush. makakatikim talaga siya sa akin.


HABANG nakaupo kaming dalawa ni Raine sa bench ng bakuran nila. Si Malditang pangit naman ay abala sa kakatingin sa camera niya. Pinagmamasdan ko siya sa ginagawa niya.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon