Chapter 25- Maid Uniform

1.5K 36 4
                                        

MARCO'S POV

Patingin-tingin ako sa relo at hinihintay ang pagdating ni Raine dito sa labas mall. Alas 10:00 am ang usapan namin kaya thirty minutes pa lang ay naghihintay na ako sa kanya dito.

Ayaw na ayaw niyang nala-late ako kaya nag-adjust na ako para hindi siya magalit sa akin. Sa paghihintay ko sa kanya ay may humintong itim na kotse sa harap ko.

Ito na ang hinihintay ko dahil sa base sa text niya sa akin ay kulay itim na sasakyan ang sakay niya. Kumatok ako sa bintana ng kotse.

Dahil matagal bumukas ay nanalamin na ako. Gwapo ko na, nag-ayos talaga ako ngayon dahil ayokong isipin ni Raine na pangit ang ka-date niya ngayon.

Ilang saglit ay binuksan na niya ang bintana ng kotse. Natigilan ako nang makita kong ang mukha niya, ang ganda ng make-up niya, para siyang Barbie.

"Hoy Loser, nagagandahan ka sa akin nu?" tanong niya.

Umiwas agad ako ng tingin. "Hindi huh!"

"Hay... pakipot ka pa." napa-iling siya.

Mayabang talaga ang babaeng ito.

"Maganda ka sana sa make-up mo kaso nga lang...You're late." sabi ko.

"Ang importante dumating ako."

"May magagawa pa ba ako, Oo nga pala nasaan na ang picture na ginamit mo sa akin sa pangba-blackmail!"

"Ah yon ba... malapit ko nang makalimutan."

Hinablot ang bag at kinuha ang cellphone niya.

"Ito ba?" pinakita niya ang picture ko.

"Ibigay mo yan sa akin!" pilit kong agawin pero mabilis ang kamay niya. Nahirapan akong kunin sa kamay niya iyon dahil nasa loob pa rin siya ng kotse.

"Pasensya na Marco kasi wala akong planong ibigay to sayo."

"Ano?" napakunot-noo ako.

"Kasi edi-delete ko ito." sabay delete ng picture ko. "See... deleted na."

"Baka e-retrive mo yan!"

"Wag kang mag-alala, ako yong tipong sumusunod sa usapan. Kapag sinabi kong gagawin ko. Gagawin ko."

Mabuti naman ay nabura na niya. Atleast ay wala na siyang gagamitin na pang blackmail sa akin.

"Lumabas kana dyan." mahinahon kong wika.

Ilang saglit ay lumabas na siya sa kotse sabay sarado ng pinto. Paglabas na paglabas niya ay tumambad na sa akin ang maid uniform na suot niya.

"Raine! Ano bang pumasok sa isip mo na yan ang sinuot mo!"

"Bakit nahihiya kang makasama ako?"

Maganda nga siya sa make up niya pero maid uniform naman ang suot. Anong klaseng babae itong ka date ko. Galing siguro ito sa ibang planeta, hindi marunong mamili ng damit na susuotin.

"Hindi mo ba alam ang dating dress code! sa lahat-lahat ng susuotin bakit maid ang gamit mo!"

"Eh... Anong pakialam mo! Dapat nga maging masaya kapa dahil maganda ang date mo." pagmamayabang niya.

"Maganda nga pero nakasuot ng maid uniform... Hubarin mo yan!" dikta ko sa kanya.

"Ayoko! Ito ang gusto kong suotin!" atras siya palayo sa akin.

Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito. Maganda nga ang mukha niya pero may sira naman sa ulo.

"Hubarin mo yan!" pilit ko.

"A-Y-O-K-O... Ayoko!"

"Baliw ka talaga! ginawa mo talaga to para ipahiya ako nuh?"

"Kasalanan mo dahil in-invite mo ako ng date."

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon