MARCO'S POV
Ako ang text sa kanya ng crush gamit ang ibang number. Kahit kailan ang malditang pangit kahit text hindi nagrereply.
Paakyat kami ni Raine sa hagdan nang mapansin kong padabog siyang naglalakad habang nasa likod lang niya ako. Hindi na ako magugulat pa dahil alam kong galit na naman siya sa akin.
"Galit ka ba?" tanong ko.
Nahinto siya sa paglakad at nilingon ako sa sandali.
"Obvious ba?" sagof niya.
Inirapan niya ako bago tumingin sa harap. Napatikom ako ng bibig kasi kung sasagot pa ako mas lalo siyang magagalit. Maldita nga talaga siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang pinto ng kwarto niya. Sa pinto may nakasabit na "Raine."
"Ito ba ang kwarto mo?" sabay hawak sa doorknob.
Gusto kong pumasok sa loob para makita ang kwarto niya ngunit naudlot yon dahil bigla niyang tinanggal ang kamay ko sa doorknob.
"Wag kang pumasok sa kwarto ko!" stricta niyang sabi kasabay nang naniningkit niyang mata.
"Bakit?" tanong ko.
Tinulak niya ako papalayo sa pinto at hinawakan ang doorknob ng kwarto niya.
"No trespassing this is private property."
Napakunot-noo ako. Ano naman bang pinagsasabi ng malditang pangit na ito?
"Bakit?"
"Kapag nakapasok ka dito, I'll make it sure that your life will be hell."
"Ang arte mo! Gusto ko lang masilip."
Lumapit ako para makapasok ng bigla niya akong tinulak pabalik.
"Ano ba Loser wag ka ngang makulit! Please give me privacy, sa school palagi kitang nakikita pati ba naman sa bahay ko." inis na wika matapos napakrus ang mga braso.
"Ang arte, arte parang titignan lang."
"Sa kabila ka pumasok, doon ang kwarto mo." Sabay turo sa katabing kwarto lang din niya.
May nakasabit na pangalan sa pinto. Ang nakasulat "Raymond."
"Who's Raymond?" tanong ko.
"My brother, minsan lang pumunta dito kaya pwede ka munang matulog dyan."
Ngayon alam ko na may kuya pala siya. Lumapit si Raine at binuksan ang pinto. Pagpasok ko sa kwarto napansin kong malaki ang kwarto at maayos din.
"Doon ang CR." sabay turo sa corner ng kwarto.
"Okay." wika ko habang nilibot ng mata ko ang buong kwarto.
"Tanong ko lang, Bakit hindi mo sinabi sa akin na naglayas ka pala?"
"Wala kana doon!"
"Ano ba! sabihin mo na sa akin." pangungulit niya.
"Wag kanang magtanong, gusto ko rin ng privacy."
"Gaya-gaya."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na sinusundan ka ng mga lalaki?" tanong ko.
"Bakit boyfriend ba kita para malaman mo kung anong nangyayari sa akin?"
Ang sama ng ugali. Tinatanong lang sobrang arte. Siya na nga ang inaalala ko kaya pumayag akong tumira dito kahit na alam kong magagalit siya.
"Okay hindi na ako magtatanong." pumunta ako sa bandang cabinet at naghubad ng damit.
"Hoy, bakit ka naghuhubad?" biglang tanong niya.
Nakalimutan kong nandito pa pala siya. Napangisi ako. "Bakit naiilang ka sa katawan ko?" Hinarap ko siya at pinakita sa kanya ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Dla nastolatkówMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)