Chapter 22- Number

1.7K 36 0
                                        

MARCO'S POV

Tinignan ko ang mukha ko from left to right sa salamin. Ayos na ito, nang ayos na ang itsura ko at gwapo na ako sa paningin ko ay binalik ko na kay Jana ang hawak kong salamin.

"Oh... Salamat." sabay abot ko.

"You're welcome." umalis din siya.

Nasa labas ako ng room na pasili-silip kay Raine na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin kay Margarette dahil sa pambubully sa bestfriend niyang si Denise.

Di pa rin siya nakarecover sa nangyari kanina, kahit kailan ang tagal niyang makalimot. Pumasok na ako sa room at nang nakita kong tatayo na siya para puntahan sila Margarette ay hinarangan ko siya.

"Umalis ka nga sa dadaanan ko Loser!" nakapakot noo siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Malayo sayo!" umiwas siya ng daan.

Hinabol ko siya at hinarangan ulit. "May gusto sana akong sabihin sayo."

"At ano naman yon Loser?" nakatingala siya sa akin at nanatiling nakakunot noo.

Tangina nakakaba pala ang mag-invite ng date sa babae pero nilakasan ko ang aking loob. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Libre ka ba bukas?" seryoso kong tanong.

"At bakit na tanong mo 'yan?" napakrus siya ng braso.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako na hindi siya pumayag lalo na masyado ding itong mailap sa mga lalaki itong si Raine, sabi ni Ryan.

"Ahh... kung okay lang sayo, gusto ko kasi kitang yayaing na lumabas." sabay pilit na ngiti ko.

Matagal siya bago makasagot. Tinignan pa niya ako from head to foot na para akong isang criminal. Ang weird naman ng babaeng ito parang date lang ang tagal pang maka-desisyon. Kinakabahan tuloy ko.

"Oh! You mean date?"

"Parang ganun na nga." seryoso kong wika.

Napatingin siya sa akin mga mata. "Pasensya na! hindi kasi ako yung tipo ng babae na sasama sa isang date sa stranger na katulad mo."

Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi siya papayag! Di dapat ako susuko, dapat pumayag siyang maki-pagdate sa akin.

"Anong stranger? stranger pa ba ang turing mo sa akin eh.. halos alila mo ko kung ituring."

Grave naman siyang makapagsalita ilang beses na kami nagkausap stranger pa rin ang turing niya sa'kin.

"Ano naman kasing gimik yang pag-invite sa akin ng date?"

"Kasi ikaw ang nililigawan ko diba natural lang na magdate tayo.. para mas makilala kita," paliwanag ko.

Matagal siya bago magsalita ulit. Lagi na lang siyang nag-iisip. Wala ba siyang tiwala sa'kin? Wala naman akong balak sa kanyang masama. Naiinip na ako.

"Kung ayaw mo si Denise na lang ang yayain ko. Mas maganda pa siya ang yayain ko kung sabagay siya naman talaga ang gusto ko." sabi ko.

"Teka. may sinabi na ba akong ayoko?"

"Eh.. Ano nga?"

"Okay... I will accept your invitation. Papayag na akong makipagdate sa'yo." mabilis niyang sagot.

Bigla akong napangiti, mabuti naman ay pumayag din ang masungit na ito.

"Okay. since pumayag kana pwede bang humingi ng number mo?"

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon