RAINE'S POV
Sa fifth floor ng building nang naglalakad akong mag-isa papuntang classroom. Sa paglalakad ko ay malayo pa lang ay nasilayan ko na si Marco na paparating sa direksyon ko. Sa hindi inaasahan ay nakasalubong kaming dalawa sa hallway. Nagkatinginan pero hindi nagkapansinan.
Nakapamulsa siya at bakas sa mukha niya na ayaw niya akong makita. Don't worry boy the feeling is mutual. Ayoko nang gulo lalo na't maaga pa kaya tumahimik lang ako nang makita siya. Mga sampung hakbang ko galing sa lugar na kinatayuan ko kanina nakarinig ako ng ingay na tila away mula sa likod ko.
Sa paglingon ko nakita ko si Marco pinalilibutan nila Jeric kasama ang dalawa nitong classmate. Tulad ko maraming studyante ang napalingon sa ingay na iyon. Nang sinimula na ni Jeric hawakan na ang kwelyo ni Marco nilapitan ko sila lalo na't responsibilidad ko ang pigilan sila.
"Ang ginagawa ninyo kay Marco?" tanong ko.
"Bawal makialam ang babae dito! Kung ayaw ninyong madamay dito!" wika ni Jeric.
"Wag kayong mag-away dito! Alam ba ninyong bawal ang ginagawa ninyo?!"
"Gumaganti lang kami Raine " sagot ni Joseph kasamahan ni Jeric.
Una sinuntok nila si Marco sa mukha na ikanatumba nito sa sahig. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't puro sila galit at masyadong malalakas. Si Jeric lang at si Marco ang nagsusuntokan samantalang ang dalawang kasamahan ay taga bantay lang sa lalapit.
Nakaganti pa nang suntok si Marco pero hindi naglaun napuruhan pa rin siya. Gusto ko silang pigilan na dahil sumusobra na sila.
"Itigil nga ninyo yan Marco!" sigaw ko.
Papalapit na sana ako ng pigilan ako ng kasamahan ni Jeric at hinawakan ang braso ko. Maraming nakapaligid na studyante pero natatakot siguro silang makialam. Sa kabilang dako nang away nakita ko si Denise na tila nag-aalala rin sa away nila.
"Itigil mo yan Jeric!" sigaw ni Denise.
Walang nagbabantay sa kabila kaya nakalapit si Denise kina Jeric at Marco. Hinawakan ni Denise sa braso si Jeric pero sadyang malakas ito kaya natulak si Denise at nabungo ang likod nito sa dingding na ikanaupo nito sa sahig dahil sa lakas ng impact nang tulak.
"Denise!" pag-aalalang sigaw ko. Tinulak ko si sina Joseph na nakaharang para makalapit kay Denise. "Denise, are you okay?'' sabi ko sabay hawak sa balikat nito.
"Okay lang ako, wag kang mag-alala."
Sa paglingon ko sa nag-aaway mabuti naman ay dumating si Edward at iba pang taga- student diciplinary para pigilan sila.
"Itigil ninyo yan!" sigaw ni Edward.
Pumagitna si Edward sabay pinaglayo sila Marco at Jeric na tila hinihingal na rin sa away. Tinulungan kong makatayo si Denise. Nais lumapit ni Marco sa amin pero inunahan ko na siya.
"Wag kang lalapit dito loser!" pigil ko.
"Gusto siyang lapitan kung okay lang ba siya." nag-aalalang tinig ni Marco.
"Kung gusto ninyong mag-away 'wag kayong mandamay. Sa dami-daming idadamay mga inosenteng tao pa." binalingan ko si Denise. "Halika dito pumasok na tayo sa room."
Naningkit pa ang mga mata ko kay Marco bago ko hinila si Denise papalayo sa kanya. Sa classroom ipinagpahinga ko si Denise at syempre sinabayan ko na rin ng pagalitan siya.
"Bakit ba kasi nakikialam ka sa away nila yan tuloy nadamay kapa!"
"Eh ikaw rin naman huh. Gusto mo ring makialam kaso naunahan lang kita." napangusong wika nito.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)