A/N : Good day Readers! This story soon to end. Meron pa itong BOOK 2. Title : "Courting the Heartless." kung ayaw ninyong mabitin. If you have time then visit my account and add to your reading list the second book.
Follow me : Sanakissa.
If not too much guys. Giving tips is helpful to us as writer to earn while doing our passion. If you someting to give I'll be thankful. Anyway to those generous readers who gave me a tip and support. I really appreciate it so much.
I will pray to God that he will return all the blessings to you that will be given to me. Have a nice day readers.
DENISE'S POV
Gabi na ng makarating ako dito sa park. Nakadungong nakaupo si Edward sa bench habang hinihintay ako. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya sa hindi kalayuan ay dali niya akong nilapitan. Nandito na naman kami.
"Mabuti dumating ka." galak na sabi niya.
"Dumating ako dahil nagtext ka sa akin na sasaktan mo ang sarili mo kapag hindi ako dumating." seryoso kong wika.
"So concern ka parin sa akin?"
"Bakit ayaw mong tanggapin na wala na tayo?" iritadong tanong ko.
"Masyado kasing biglaan, ayusin natin to please." pakiusap niya.
Napalunok ako. Hinila niya ako para mapaupo kaming dalawa sa bench. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko.
"Bakit hindi nalang si Raine, mas bagay kayo! Parehas kayong kilala sa school at parehas din kayong nakakaangat sa buhay.. hindi katulad ko na hamak na lower class ng batch natin."
"Wala akong pakialam kong ano ka!"
"Bakit ba kasi ayaw mo kay Raine?" galit na tanong ko sa kanya.
"Ayoko ko sa kanya! Dahil palagi niyang pinaglalaruan kaming mga lalaki! Hindi ko nga alam kong bakit kayo naging magbestfriend."
"Wag mong sabihin yan! mahal ko ang bestfriend ko kaya wag mo siyang e-judge!"
"Sorry.. hindi ko na sasabihin 'yon. Alam kong magagalit ka pero 'yon talaga ang dahilan."
"Simula ngayon hindi na dapat tayo mag-usap para maka move on na tayo!" sabay tayo ko.
Bigla din siyang napatayo nang napansin niyang papaalis na ako.
"May gusto kaba kay Marco kaya hinihiwalayan mo ko?" Hindi ako nagsalita dahil hindi iyon ang rason. Naglakad ako nang mabilis para iwasan siya. "Ano ba magsalita ka naman, Denise?"
"Paano kung sabihin kong... Oo titigilan mo na ako!" bigla kong wika.
Simula nang magkahiwalay kami hindi na ako nakapag-isip ng matino kaya kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko.
"So dahilan mo lang ang gusto mong magfocus sa pag-aaral kaya mo ko hiniwalayan?"
"Mahal ko si Marco.. kaya tanggapin mo na hiwalay na tayo!" masakit man sa akin ang magsinungaling pero ito na ang matibay na dahilan na tuluyan na niya akong iwan.
"Hindi ako naniniwala sayo kasi bakit ka umiiyak?"
Hindi ko napagilan ang emosyon ko. Unti-unting namumuo ang luha ko sa gilid ng aking mga mata. Nakakainis naman! Hindi ko alam kong bakit baliw siya sa akin samantalang mas bagay sila ng bestfriend ko. Lumingon ako sa kanya.
"Dahil naiinis ako sayo!"
Labag man sa kalooban ko pero umalis na ako dahil ayoko ko ng makita si Edward na lumuluha ng dahil sa akin. Pinilit niya akong habulin pero hindi ko na siya pinansin. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko para tuluyan na niya akong layuan.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)