Chapter 43- Hot Spot

1.4K 39 13
                                    

RAINE'S POV

Pagdating ko sa bahay ay una kong ginawa ay ang hanapin si Mommy.

"Mommy!" tawag ko pagpasok ko pa lang.

"Oh, Bakit Raine?" sagot niya galing sa kusina.

"Nasaan na 'yung uniform ko na pinatahi?"

"Nandoon sa sofa, pinaliit ko na."

"Huh! Pinaliit mo na?" bulaslas ko.

Napakunot-noo si Mommy. "Oo, diba 'yun ang gusto mo?"

Napasimangot agad ako dahil baka hindi na magkasya kay Marco ang uniform ko.

"Sana nakalimutan mo nalang ipatahi Mommy." malungkot kong wika.

"Hay... Itong batang to, ikaw tong apuradong ipatahi yang uniform mo tapos ngayon palungkot-lungkot ka dyan! Nagmana ka talaga sa daddy mong hindi maintindihan." reklamo ni Mommy.

"Mommy naman eh... paulit-ulit na lang yan ang palaging sinasabi." napanguso ako.

"Isukat mo na 'yung bagong uniforme mo!" sabay turo doon sa sofa namin na nasa sala.

Padabog akong pumunta sa sala at kinuha ang pulang plastic na pinaglagyan ng uniforme ko. Tinignan ko kung gaano kalaki ang nawala sa uinforme ko. Napangiti ako dahil parang walang nangyari sa pinatahi kong uniform. Binalikan ko si Mommy.

"Mommy, sure kang pinatahi mo to?"

"Oo.. "

"Parang walang nangyari." natatawang wika ko.

"So.. Tuwang-tuwa ka naman?"

"Wala lang... Thanks mommy you're the best." masayang wika ko.

"Ewan ko sayong bata ka."

Tapos bumalik ulit ako sa labas kong saan naghihintay doon si Marco. Hindi kami nagkasabay ng uwi ni Denise dahil may importante daw siyang pupuntahan. Since si Marco gusto ng kunin ang uniforme na gagamitin para bukas, hinatid nalang niya ako sa bahay.

"Oh... ito na ang uniforme mo bukas Cinderella." natatawang wika ko.

"Ano'ng Cinderella?" sabay kuha sa susuotin niya bukas.

"Ikaw magiging Cinderella kana bukas." asar ko sa kanya.

"Tss... Kahit kailan, palagi mo na lang ako inaasar." inis niyang wika.

"Uyy.. Drama na naman siya." nakangiting wika ko.

"Sige kailangan ko ng umalis, Stepmother ni Cinderella." sabay punta sa motor niya.

Hay nakuha pang gumanti ng asar sa akin.

"Hoy! Para sabihin ko sayo hindi ako stepmother ni Cinderella, ako kaya si Snow white!"

"Wew... hindi halata, mas bagay kang maging isa sa mga duwende ni Snow white." natatawang asar niya.

Aba namumuro na siya. Nakakapikon na siya. Nilapitan ko siya para hampasin ng bag ko pero hindi ko naabutan dahil napaandar na niya ang motor niya.

Ang bilis naman makatakas ang loser na yun. Tawang-tawa pa siyang takasan ako. Nakakaasar. Humanda yon sa akin bukas.

MARCO'S POV

Sa tuwing nakatingin ako sa salamin hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa buhay ko. Ngayon ko napagtanto kung marahil kung naging babae ako, mas maganda pa ako sa Malditang pangit na 'yon. Mapayat naman ako kaya kasyang-kasya ang uniforme niya sa akin.

Ang pangit kong tignan kung nakauniforme lang akong babae kaya nagsuot nalang din ako ng piluka na pinabili ko kay Ryan kagabi.

"Boss! Ikaw na ang pinaka magandang babae sa buong lupa." natatawang wika niya.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon