MARCO'S POV
Next Day... Hindi makatulog sa kakaisip kay Raine kagabi. Nakakain ba siya Nakatulog ba siya ng mahimbing? Galit pa ba siya sa akin?
Hindi na siya mawala sa isip ko buong gabi. Bakit ba ako nagkakaganito?
Pagdating ko sa malaking gate namin, napansin kong halos lahat ng studyante nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha at kung makatingin sila ay parang pinag-uusapan nila ako.
Pagpasok ko ng gate, tumambad na sa akin ang mga ibat-ibang picture na nakadikit sa ibat-ibang lugar. Sa puno, sa guard house at mga poste. Tinignan kong mabuti ang mga picture na iyon. Bigla akong kinabahan.
Ako at si Margarette ang nasa picture na magkayakap sa swimming gym. Nang makita ko ang picture na ito, bigla agad pumasok sa isip ko si Raine.
Tumakbo ako sa labas ng gate pero huli na ang lahat dahil may hawak na ng litrato si Raine namin dalawa ni Margarette. Bakit ba nangyayari ang mga bagay ito? Paano ko ito ipapaliwanag kay Raine? At lalong Sino ba ang nagkalat ng picture na ito?
Isa pala sa mga studyante ang nagbigay sa kanya ng litrato namin ni Margarette.
Hawak ni Raine ang litrato namin, ngunit kung kanina masama ang tingin niya sa akin. Ngayon ay bigla nalang nawala facial expression niyang iyon.
"Well, great picture bagay kayong dalawa." sabi niya matapos ay ibinigay sa akin ang picture na hawak niya kanina.
Hindi ako naniwala sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya.
"Let me explain, Raine." nais ko siyang hawakan sa balikat pero mabilis siyang nakaiwas sa akin.
"Don't touch me!" palo niya sa kamay ko.
Mabilis siyang pumasok sa gate na para bang iniwasan ako. Nakakainis kasi mas maraming picture ang nakadikit sa kahit saang sulok ng school.
Akala ko magagalit siya sa akin kung makikita niya iyon ngunit sa kilos niya ngayon, parang wala siyang pakialam.
"Mag-usap mo na tayo!" harang ko sa dinadaanan niya.
Bakas sa mukha niya na naiinis na siya sa akin dahil pangungulit ko sa kanya.
"You know Marco! Hindi kita maintindihan... Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Ang alin?"
"Bakit ba ang kulit-kulit mo?" galit na wika niya.
"Gusto ko lang sabihin sayo na walang namamagitan sa amin ni Margarette."
"Really?" napakrus siya ng mga braso. "Why you're explaining to me?" hindi agad ako makapagsalita. Napalunok ako. "I'm done to you Marco, at napatunayan ko na ngayon na hindi ka karapat dapat sa bestfriend ko, so please stop bothering me!"
"Yun na nga ang point ko eh niyakap ko si Margarette sa picture na yan dahil iyak siya ng iyak dahil akala niya mamatay na siya sa pagkalunod, niligtas ko lang siya ng mga oras na iyon kaya nandyan ako sa swimming gym."
"Okay. I understand, pero dapat hindi ako ang sinasabihan mo niyan Marco dapat si Denise kasi siya naman ang gusto mo di ba?"
Napangiti ako pero kabaliktaran iyon sa totoong nararamdaman ko. Kung sabagay tama nga naman siya. Bakit ba ako nangungulit sa kanya? Samantalang mas malala ang pagkasira ko kung sakaling makita ito ni Denise.
Nakalimutan kong ginagawa ko ang bagay na ito, hindi dahil kay Raine kundi sa bestfriend niya. Marahil kaya ako nagkakaganito ay dahil nag-assume akong may gusto si Raine sa akin. Lalo na nang iligtas niya ako kahapon ng magtangka akong magpakamatay.

BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Novela JuvenilMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...