RAINE'S POV
Sa classroom. Natago ako sa balikat ni Denise habang nakayakap sa kanya wala na akong mukhang ipapakita dahil hanggang ngayon randam ko parin ang kahihiyang idinulot ni Marco sa paghalik sa akin mismo sa maraming tao. Yakap din ako ni Denise at tila pinapakalma din ako.
"Denise, hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Marco." iyak ko sa balikat niya.
"Kaya nga nagso-sorry na nga ako." sabat ni Marco. Natigil mo na ako sa pag-iyak at hinarap siya.
"Sorry?! Makukuha ba ng sorry mo ang ginawa mo sa akin, nilamatan mo na ang pagka-virgin ng lips ko at mismo sa maraming tao!"
"Bakit, mabubutis ka ba sa halik, hindi naman huh!"
"Pilosopo ka pang loser ka!"
Tanga-tanga talaga ng Loser na ito. Nangangatwiran pa. Bumalik akong yumakap kay Denise dahil hindi ko pa kaya ang kahihiyan na nangyari sa marriage booth.
"Marco, bakit mo kasi ginawa 'yon? Akala ko ba ako ang gusto mo? Sa ginawa mo, parang pinaglalaruan na mo kaming magbestfriend!" sabi ni Denise.
"Tama ka, Denise. Mukhang pinaglalaruan lang tayo ng Loser na 'yan."
"Sorry na nga eh, Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko, syempre natural lang sa akin ang matukso dahil lalaki ako."
Anong klaseng dahilan iyon? Biglang narindi ang tenga ko. Hinarap ko ulit siya.
"Tukso? Parang iyon lang natukso ka na sa akin? Pekeng vow lang 'yon, sineryoso mo agad! Kung kinikilig ka sa akin dapat pinigilan mo, kahit kailan malandi ka!"
"Kung galit na galit ka sa akin, sige hampasin mo nalang ako ng baseball bat! Tatanggapin ko mapatawad mo lang ako."
"Ako talaga ang hinahamon mo huh!" kinuha ko ang basbell bat sa upuan ko at mabilis na pinalo sa balikat niya.
"ARAY!!" sabay hawak sa natamaan kong balikat niya.
Nang gigil talaga ako sa kanya kaya dinagdagan ko ulit ng isa pang hampas.
"ARAY! tama na!" sigaw niya.
"Hindi pa ako kuntento!" sa pangatlo kong hampas ay pinigilan na niya ang bat ko na tumama sa kanya.
"Uy... MAINE love team." asar ng mga ka-klase namin.
Nakakaimbyerna na talaga dahil sa nangyari kumpulan na kami ng tukso ngayon mapa labas man o maski dito sa loob..Puro na lang problema ang binibigay sa akin ng lalaking ito.
"Sorry na nga eh."
"Raine, itigil mo na 'yan. Nagiging violente ka narin katulad ni Marco." pigil sa akin ni Denise.
Matapos ay inagaw agad sa akin ang baseball bat ko. Hinila niya ako sa papuntang upuan at pinaupo ako roon. Dahil sa pagod ko narin ay sumunod na lang din ako sa gusto ni Denise na huminahon. Hindi na ako tumingin kay Marco dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko sa kanya.
"Marco, umuwi ka na," wika ni Denise.
"Ihahatid ko pa siya."
"No, sabay kaming uuwi ngayon."
"Pero, Denise."
"Parang awa mo na, umuwi kana."
Hindi na ako nagsalita dahil gusto kong kumalma na rin. Tama si Denise kung papatulan ko pa ang Loser na ito. Magiging violente na rin ako mata ng mga classmates ko.
"Basta sorry na." kinuha ang bag niya sa upuan at umalis.
"Loser" Sabay krus ng mga braso ko at sunundan ko siya ng masamang tingin habang papalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/94455175-288-k70354.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...