Sa baseball field ay halos pawis na pawis na ako sa paglalaro. Nag Time out muna ako para makapagpahinga. Pumunta muna ako sa upuan ko kung saan naroroon ang iniwan kong tubig. Matapos kong mapawi ang ulaw ko sa ininom kong tubig.
Isang babae ang lumapit sa akin. Si Margarette na walang emosyon at tahimik na nakatingin sa akin.
"Hello queen bully, Ano'ng kailangan mo?"
Inunahan ko na siya ng tanong habang tinatanaw ang malawak naming school ground at pinagmasdan ang mga kasamahan kong naglalaro. Ayoko ko kasing makita ang nakakainis na mukha ni Margarette lalo na kung malapitan.
"I want to talk to you, Raine."
"About what?" bagot na tanong ko.
"About Marco."
Napalingon ako sa kanya. Tiniis kong tignan siya kahit na ayokong makita ang pagmumukha niya. Bigla kong naaalala ang tungkol sa kanila.
"Actually, you look good together." asar ko.
"Wag ka ngang mag-asar! Wala kaming ugnayan ni Marco."
"Why do I care?"
"I want you to forgive him."
Biglang tumaas ang kilay ko. Iba kasi ang timbre ng boses niya na animo'y para bang nagdidikta sa akin. Hindi rin akong sang-ayon sa gusto niya.
"Nakikiusap ka ba o nang-uutos?"
"Ano bang kasing kinagagalit mo kay Marco at itinigil mo cmi30 mo?"
Ramdam kong naiirita ba siya sa paligoy-ligoy ko. Well sa tagal naming magkakakilala ni Margarette ay ngayon lang ito nakiusap sa akin. Kaya medyo pahihirapan ko siya kahit paano ay magantihan ko siya sa pambubully kay Denise.
"Dahil niloko niya ako, Una nagpanggap siyang nalasing siya, Pangalawa biniro niyang hahalikan ako at pagtawanan ng mga kaklase natin at ang pangatlo pinagkaisahan na ninyo akong lokohin."
"Yun lang nagalit ka na?"
"Ibahin mo ako Margarette, kung sayo okay lang.. sa akin hindi."
"Tss.. Maarte ka talaga!"
"I don't understand, bakit kayong dalawa ni Marco sa akin nagpapaliwanag?"
"Marco said because of your bestfriend, hindi siya pinapansin ni Denise dahil sayo."
"Mabuti naman kasi ayokong nag-uusap sila at malubayan na kaming dalawa."
"Yun na nga eh... ikaw ang sinusuyo namin para magkaroon ulit siya ng ugnayan kay Denise."
Parang may mali dito. "Bakit mo ba tinutulungan si Marco na suyuin ako?"
"Dahil dahil utang ko sa kanya ang buhay ko... gusto ko lang makabayad sa pagligtas sa akin."
"Hay naku sayang naman.. Sana hindi dumating si Marco para tuluyan ka na talagang namatay."
Marahas niyang hinawakan ang kwelyo ko at biglang nag-apoy ang kanyang mga mata. Salamat na inis ko rin siya. Kahit na medyo umasta na siyang violent. Hindi naman ako natakot sa kanya. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Kahit hawak pa rin niya ang kwelyo ko naging mahinahon pa rin ako.
"Wag mo kong inisin lalo na't pinipilit kong maging mabait ngayon, Raine." nagbabanta niya.
"Well pasensya na... hindi bagay sayo ang maging mabait." sabay hampas palayo ng kamay niya sa kwelyo ko.
"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo si Marco?" galit na tanong niya.
Nagkaroon ako bigla ng interest na makausap siya. Binibigyan niya ba ako ng kahiligan kahit na ini-insulto ko na siya? Nakakamangha lang dahil gusto niya talaga si Marco. Kung hawak ko ang alas ay lulubos-lubosin ko na ngayon.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)