Chapter 58- Spaghetti

1K 36 1
                                    

RAINE'S POV

Gumising ako ng madaling araw para gisingin si Marco. Paghawak ko sa doorknob ng pinto ng kwarto niya ay napansin kong hindi niya ito sinarado. Nilapitan ko siya na nahihimbing ang tulog at nakatalukbong ng kumot.

"Loser, guminsing kana." bulong ko.

"Ano ba!" hindi niya ako pinansin.

"Gusto mong sumigaw ako dito para magising ka! May kasunduan tayo, gumising kana dyan." mahina ko paring tinig.

Ilang saglit ay pinakita na niya sa akin ang mukha niya.

"Oo na."

Kailangan pang takutin bago gumising. Ilang saglit ay bumangon na rin siya. Tulad ng napag-usapan namin kagabi ay pupunta kami sa tapat ng pinto ng kwarto nila Mommy at Daddy.

"Basta gawin mo yung sinabi ko kagabi." bulong ko.

"Oo na, hindi ko nakakalimutan yon."

Nang makita naming gumagalaw ang doorknob ay naghanda na kaming dalawa ni Marco. Pagkakita namin kay Daddy ay nagsimula na kaming kumanta.

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday.... Happy Birthday to you..... Happy Birthday Dad." nati ko sa Daddy ko sabay yakap.

"Thank you baby." sabay yakap din sa akin.

"Don't call me baby.. Dad, matanda na ako."

"Baby parin ang turing ko sayo." wika ni Dad.

"Duh.. Hindi na ako baby." kung alam lang ni Daddy, hindi na ako baby kasi may crush na nga ako.

"Happy Birthday Tito." sabi ni Marco.

"Salamat Marco."

Dumating si Mommy. "Tulungan ninyo akong magluto ng handa para sa Honey ko."

Hindi ako kumibo kasi wala akong hilig sa pagluluto.

"Tutulungan ko po kayo Tita." wika ni Marco.

"Salamat hijo."

"Ikaw Raine, sasamahan mo ba kaming magluto?" tanong ni Marco.

"Alam na ni Mommy, hindi ko trip ang magluto." sagot ko.

"Okay lang Marco, tayong dalawa nalang kahit kailan hindi yan tumulong sa akin magluto." si Mommy.

"Sorry, hindi ko passion ang magluto, kumain lang." nakangiting wika ko.

"Ikaw nalang ang taga-tikim." si Dad.

"Okay." masaya kong wika.

Matapos ay pumunta na kaming lahat sa kusina. Habang si Daddy ay busy sa pagbabasa ng dyaryo sa sala ako naman ay nasa kusina at nakaupo sa harap ng lamesa ng hapag kainan.

Habang hinahanda ko ang camera ko ay hinihintay ko rin na maluto ang niluluto nilang spaghetti nila Mommy. Sa pagkuha ko ng mga litrato nila ay may na realized ako tungkol kay Marco.

Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala sa pagluluto ang Loser. Well magkaiba kami kasi mahilig lang talaga akong kumain.

"Chanaaaan... Luto na ang spaghetti." biglang lapit ni Marco hawak ang isang plato na may lamang spaghetti.

Nilapag niya sa gitna ng lamesa.

"Ikaw ang nagluto?" tanong ko.

"Oo.. Tinuruan ako ng Mommy mo."

Lumapit si Mommy sa amin. "Tikman mo Raine, ang luto ni Marco." utos ni Mommy.

Kanina rin lang ako naghihintay at ginugutom, titikman ko narin ang spaghetting niluto ng Loser na nakangiting aso ngayon.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon