RAINE'S POV
[LAST DAY OF INTRAMURALS]
Naglalakad ako nang makita ko si Margarette na mag isang naglalakad sa school ground. Tumakbo ako sa kanya at biglang tinulak ko siya sa likod. Malapit na siyang masubsub sa damuhan sa lakas ng tulak ko. Paglingon niya sa akin.
"Ano bang problema mo at nanunulak ka?" galit na tanong niya.
"Umamin ka? ikaw 'yung nagbayad sa amin ni Marco para blind date kami 'no?"
Hinarap niya ako. "What are you talking about?"
"Nagmamaang-maangan kapa! Gumaganti ka sa amin kasi sa ginawa ko sayo kahapon!"
"Don't accuse me Raine! Hindi kita pina-blindate sa kahit sino kahapon!"
"Eh Bakit nakita kita kahapon sa blind date table na parang may pinablind date ka?"
"Hindi ikaw ang pina blind date ko!"
"Then who?"
"Yung mga lalaking pinadalhan mo ng message, sila ang pina-blind date ko kahapon para tantanan nila ako!"
"Si Dota player, Smoker, Playboy at Panda?"
"Oo Raine, kung alam mo lang kung gaano kalaki ang ginastos ko kahapon dahil sa ginawa mo kaya wag kang mang bintang sa akin 'yan!"
"Eh sino 'yung nagpablind date sa amin ni Marco?" inis na tanong ko.
"I don't know and I don't care! Ako lang ba ang galit sayo? Palagi mo nalang ako pinagbibintangan!" sabay talikod sa akin.
Napakrus ako sa aking mga braso dahil sa inis ko. Sino ba kasi ang nagpablind date sa amin dalawa ni Marco kahapon? Si Margarette lang naman kasi ang alam kong kayang gawin yon sa akin.
Nakakairita! sino kaya gumawa sa amin non kahapon? Nagkita kami ni Denise sa hallway. Nagsumbong ako sa kanya tungkol sa nangyari sa amin ni Marco sa blind date.
"Nalilito na ako sino ang nagpablind date sa amin ni Marco!" sumbong ko.
Bakas sa mukha ni Denise ang pagkalito kung sino ang nagpablind date sa amin ni Marco.
"Si Margarette hindi ba siya?" tanong ko.
"Nagkita kami kanina, hindi daw siya."
"Baka naman nagsisinungaling lang siya."
"Ewan ko, pero kung magsalita siya parang totoo naman."
"Kilala mo naman si Margarette, magaling yun umakting."
"Ewan ko Denise, Kung sinong man ang nagpa blind date sa amin.. hahampasin ko talaga ng baseball bat."
Napailing siya. "Puso mo Raine."
"Wag kang mag-alala Denise, tumitibok pa naman ang puso ko." sabay hawak ko sa dibdib ko.
Hinimashimas ni Denise ang likod ko para kumalma ako. Sino kasi ang may kagagawan nito.
KANINA pa ako naglalakad sa kakahanap kay Marco. Nasaan na ba ang loser na 'yon? Dapat nandito siya kasi baka may manghuli na naman sa akin nang taga Handcuff at blind date committee. Ilang saglit ay may humila na naman sa akin, mula sa likuran ko. Palingon ko, hindi sila taga Handcuff at blind date committee ang dalawang lalaking ito.
"Ano'ng kailangan ninyo?"
"Taga marriage committee kami, pasensya na pero kailangan mong sumama sa amin."
"Wait! Ano'ng gagawin ninyo sa akin?!" gulat kong tanong.
"Dadalhin ka namin sa Marriage booth." unti-unti na nila akong hinihila.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)