RAINE'S POVPagbukas ko sa locker nandito na naman ang roses ni Marco na araw-araw niyang binibigay sa akin. Pagkuha ko sa roses ay mabango na ito. Napailing nalang ako. Habang tumatagal mas lalong ginagalingan ng Loser ang panliligaw sa akin.
I admit kinikilig ako pero kailangan kong labanan ang nararamdaman ko dahil hindi naman ako ang rason kung bakit niya ginagawa ito. Biglang may lumapit sa akin.
"Wow.. sino ang nagbigay ng Roses na yan?" tanong ni Denise na mukhang kararating lang din.
"Ah ito, kay Marco." sabi ko.
"Binibigyan ka ni Marco ng roses?"
Huminga ako nang malalim.
"Yes, like everyday." bagot na wika ko.
"Ang sweet naman ni Marco, mabuti hindi ka nagkakagusto sa kanya Raine."
"Sinabi ko na sayo, minsan pinakikilig niya ako pero hindi siya ang type ko."
"Si Edward pa rin ba?" tanong niya.
"Yes, siya lang at wala ng iba."
Matapos kong sabihin yon ay napansin kong bigla nalang siyang naging malungkot. Bigla akong napatanong sa isip ko.
"Gusto mo ba Denise na magkagusto ako kay Marco?" tanong ko.
"Bakit bigla mo namang tanong?"
"Because you're always asking about sa estado nang nararamdaman ko kay Marco."
"Napapatanong lang ako kasi kung ako sayo matagal na akong nagkagusto sa effort niya."
"Siguro ay pinanganak na talaga akong mataas ang standards na kahit anong effort niya hindi ko parin na a-apreciate lahat."
"Dahil ba sa hindi siya kasing gwapo at kasing talino ni Edward?"
"Hindi naman sa ganun, gwapo naman si Marco kaso matalino kasi si Edward doon kasi ako mas attractive."
"Okay, Paano kong maging kami ni Marco?" tanong niya.
Napangiti ako. "I'll make it sure na bago maging kayo, karapatdapat na siya para sa'yo," sabi ko sabay hawak sa balikat niya.
Napangiti siya ng sinabi kong iyon at matapos ay nagpasya kaming sabay na pumunta sa classroom.
MARCO'S POV
Morning class wala si Sir Reyes kaya kanya-kanya na naman kaming daldalan ng mga classmate ko. Magkausap si Raine at Denise kaya pasimple muna akong tumakas at nagpahingin sa labas kasama si Ryan.
"Alam mo ba pre, hindi ako makatulog kagabi."
"Bakit boss?" tanong niya.
"Hindi mawala sa isip ko yung tungkol sa gustong mablind date ni Raine noong intrams."
"Oo nga no, may alam ka na ba kung sino boss?"
"Yun nga ang iniisip ko kagabi pa. Hindi ko pa alam." napamulsa kong wika.
"Naku boss mahirap yan, meron ka palang ka-love triangle."
"Tulungan mo ko Pre, gusto kong makikilala ang lalaking gusto ni Raine."
"Ano'ng gagawin mo kong makilala mo ang lalaking gusto niya?"
"Bugbugin ko!" matapang kong wika.
"Wag mo naman agad bugbugin lagot ka naman kay Raine kong bugbugin mo agad."
"Pero gusto kong makilala kasi nagtataka ako kung ano ang klaseng lalaki ang gusto ng malditang pangit na 'yan."
Nagkipit balikat agad si Ryan sa akin. "Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng tips Boss."
![](https://img.wattpad.com/cover/94455175-288-k70354.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...