Chapter 16- Court me in 30 days

1.9K 41 11
                                    

MARCO'S POV

Hindi ako makapaniwala na basted ako ng basta-basta ng ganito ni Denise. Mismo pa sa harap ng mga kaklase namin. Ayokong hanggang dito na lang matatapos ang lahat.

"Narinig mo sinabi ni Denise?" napakrus ang mga braso ni Raine. "Wala siyang feelings sayo!"

"Hindi! Hindi ako papayag!" hinila ko si Denise papalapit sa akin. "Denise, pagbigyan mo kong ligawan kita." pakiusap ko.

"Are you out your mind Loser? Sinabi na ni Denise wala siyang gusto sayo. Bakit namimilit ka?" sabat ni Raine.

"Marco, Ano bang nangyayari sayo?" litong tanong ni Denise.

"Bakit naging masama ba ako sayo, Denise?"

"Hindi naman sa ganun."

"Pero bakit?"

Biglang inagaw ni Raine si Denise papalayo sa akin at itinago sa likod nito.

"Wag mo nang e-pressure si Denise. Kung ayaw sa'yo ng tao 'wag mong ipilit!" mariin na sabi ni Raine.

Huminga ako nang malalim para mahimasmasan. I admit nasasaktan ko na si Denise kaya kailangan kong magpigil nang galit.

"I want to court her."

Napakunot-noo si Raine. "Ano'ng sabi mo?"

"Ang sabi ko, I want to court her!" seryoso kong ulit.

Napa-awang ang bibig ni Raine and she sarcastically smiled. "No! Ayoko hindi ako papayag!"

"Bakit ikaw ang humi-hindi e. Hindi naman ikaw ang liligawan ko!"

"Because the way you treat her lately is like you're harassing her! hindi ka pa sinasagot ng tao ganyan kana. Paano na lang kung naging kayo na!"

Pumagitna si Denise sa amin. "Okay! Okay! wag na kayong mag-away dalawa. Marco, I'm sorry pero hindi rin ako papayag na magpaligaw din sayo. I have priority na dapat kong unahin at 'yon ang pag-aaral ko, but as your good friend of mine, papayagan kita manligaw."

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko nang bibigyan na niya ako ng chance na ligawan siya. Bahagya akong napangiti.

"Talaga?" masigla kong tinig.

Napatango siya. "Yes, Pero hindi ka sa akin manliligaw."

Napakunot-noo ako at parang nasira ang masaya kong mukha. Hindi ko siya maintindihan, mas nalito ako.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Kaysa ako ang ligawan mo, court my bestfriend instead." sagot niya.

"May nagbabalik!" si Margarette.

"Yah... The craziest segment na meron si Raine before." si Trisha.

"Another suitor of Raine ang iiyak muli." si Clare.

Hindi ko maintindahan ang bulungan nila. Nagmumukha na akong tanga dito. Ano bang pinagsasabi nila? Napatingin ako kay Raine.

"Denise, Ano'ng pinagsasabi mo?" tanong ni Raine.

"Ayaw mo kay Marco para sa akin then gusto kong bigyan ng chance si Marco, gusto kong ikaw ang ligawan niya instead of me, kapag nakapasa siya sa standards mo it means, pasa na rin siya sa akin."

Mababaliw na ako sa pinagsasabi nila.

"Marco!" tawag ng boses galing sa likod si Ryan.

"Pare, Wag kang pumayag sa CMI30 niya." bulong ni Ryan.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon