Chapter 34- Peace Offering

1.4K 36 10
                                        

MARCO'S POV

Simula sa nangyaring biro namin ni Margarette hindi na ako pinansin ng magbestfriend na si Raine at Denise. Wala kaming clase sa first period dahil wala si Sir, absent daw at meron daw inasikaso. Ilang beses ko nang kinulit si Denise na kausapin ako pero parang walang nariring.

"Denise." hindi ako papansinin. Umalis at pupunta ng clinic o kahit saan, maiwasan lang ako.

Sa likod ko si Raine, nagbabasa na naman ng libro.

Hinarap ko siya. "Raine..." tawag ko sa kanya pero nagsuot siya ng headset kaya kahit anong tawag ko sa kanya hindi niya ako maririnig.

Hinablot ko ang headset mula sa tenga niya para pansinin ako. Sa ginawa kong iyon binaksak niya ang libro sa lamesa na kanina lang ay basa niya at galit na napatayo.

Sa pagkakataong ito hinarap na niya ako kasama ng masama niyang tingin.

"Anong problema mo?" galit niyang tanong.

"Kayo ang problema ko! Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ninyo ako pinapansin!" Sigaw ko rin.

Bakas sa mukha niya ang pangigil at para bang gusto niya akong tirisin.

"Eh ang kulit mo din nu!" Kinuha niya ang baseball bat sa tabi at balak niyang ipalo sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang dumepensa agad lalo na't parang seryoso nga siyang ihahampas iyon sa akin.

"Wag ka namang mamalo agad!" Habang ang dalawang kamay ko ay nakatabon sa ulo ko.

"Raine, itigil mo yan!" pigil ng isang lalaking lumapit agad sa amin. Si Edward.

Tinignan ko agad si Raine sa gagawin niya. Unti-unti din niyang binababa ang baseball bat at inilayo sa akin. "I'm sorry Edward, nadala lang ako ng emosyon." Wika niya.

Sorry? Teka bakit kay Edward siya nagsosorry dapat sa akin dahil malapit na niya ako mahampas ng bat.

"Anong tinitingin mo dyan?" mataray niyang tanong.

"Napansin ko lang na mas maganda ka pa lang magalit." Bola ko para mag bati na kami.

Napangiti siya. "Ganun ba? Wag mo nang sabihin yan dahil matagal ko ng alam!" sabay sipa sa tuhod ko.

"Aray! Ray-rayy!" napahawak agad ako sa tuhod dahil sa kirot. Ang sakit-sakit kaya ng ginawa niya.

"Akala mo mabobola mo ako ng ganyan huh! Bolahin mo nalang ang lasing, wag lang ako. Loser!" sabay alis.

Sa sobrang inis ko sa kanya sinipa ko nalang ang upuan niya. Kahit sa upuan nalang makaganti man lang ako sa kanya.
Hindi ko rin maintidihan ang sarili ako kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ako mapakaling ginaganito nila ako na hindi pinapansin. Nalulungkot ako.

S=s=s=s=s=s=s=s=s=s=s=s=s

Sa Hallway. Kapag nahuhuli ako ni Raine na nakatingin ako sa kanila ni Denise na nag-uusap o nagtatawanan. Bigla nalang aakbayan ni Raine si Denise pagkatapos lalayo.

Mukha ba akong criminal na kailangan na lumayo at magtago sa akin?

Sa Cafeteria. Nakita ko silang kumakain. Dala ang tray ng pagkain ko, lumapit ako sa kanila para makisabay kumain pero bigla nalang silang sabay na tumayo at dinala ang tray nila. Lumipat sila ng lamesa at doon umupo.

Sa ginagawa nila sa akin feeling ko binubully nila ako. Ngayon ko naramdaman na malungkot pala ang mag-isa lalo na kapag wala kang kasamang kumain.

Nakakamiss palang makasabay silang kumain kahit inaaway ako ng Malditang Raine na yon lalo kapag mali ang order ko kapag inuutusan niya ako.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon