Chapter 53- Stalker

1.1K 33 10
                                        

RAINE’S POV

Medyo madilim na rin ng matapos kami ni Denise sa panonood ng movie sa bahay nila. Hindi naman masyado malayo ang bahay namin kina Denise kaya hindi na ako nagpasundo kay Darren.

Habang naglalakad mag-isa papunta sa kanto ay tila ramdam kong may sumusunod  sa akin mula sa likod.  Natigilan ako sandali at dahan-dahan na lumingon. Isang lalaki na naka-jacket at naka sombrero na itim ang napansin kong malapit siya sa likuran ko.

Nagpanggap akong hindi ako naiilang sa kanya ngunit hindi naglaon parang kinakabahan na ako dahil Kapag humihinto ako sa paglakad ay humihinto rin ito.

Kapag tumatawid ako sa kabilang kalsada, tumatawid din siya. Nagsimula na akong makaramdam ng takot dahil para siyang aninong sumusunod sa akin lalo na't nakaitim din ang kanyang kasuotan.

"Panibagong stalker na naman." kinakabahan ako.

Binilisan ko ang paglakad ngunit sa tuwing binibilisan ko ay para na niya akong hinahabol.

Ginamit ko na ang pagiging baseball player ko at tumakbo ng mabilis hanggang makarating ako gate ng bahay. Hindi na agad ako nagdalawang isip na pumasok agad sa loob.

Para akong mababaliw sa kaba at hingal dahil lalaking iyon. Biglang nawala ang lalaking humahabol sa akin.  Nataranta akong pumasok sa loob at nagsumbong kay Mommy at Daddy.

SA CAFETERIA habang kumakain kami ng lunch nila Marco at Denise. May napansin akong kakaiba sa panga-ngatawan ni Marco.

"Marco, napansin ko parang nangangayayat ka yata." sabi ko.

"Oo nga Raine, akala ko ako lang ang nakapansin ikaw rin pala." sabi ni Denise.

Napalingon si Marco sa aming dalawa ni Denise.

"Diet ako!"

"Ang lalaki hindi bagay mag-diet dapat kumain kayo ng marami para magkaroon naman kayo muscle." sabi ko.

"Tama ka twin, nakaka-atract kaya 'yung lalaking may muscle." nakangiting si Denise.

Nagtawanan kaming dalawa ni Denise kasi kung tutuosin parehas kami nito na mahilig sa lalaking malaking muscle. Bumaling ulit ako sa lalaking manliligaw ko na loser.

"Kainin mo tong lahat." sabay bigay ko ng pagkain kay Marco. "Kumain ka ng marami para hindi ka pumayat."

"Ayoko, marami na akong nakain."

Pakipot pa ang loser, halata naman na nahihiya lang siya sa binibigay ko. Inaamin ko lagi ko siyang binu-bully pero pagdating sa pagkain ay hindi naman ako maramot.

"Kainin mo 'yan kundi susubuan kita!" pananakot ko.

Napangiti naman si Denise. "Kumain kana Marco. Nagagalit yan si Raine kapag tinatanggihan ang alok na pagkain."

“Okay, kakainin ko na.” tinanggap naman ni Marco ang alok kong ulam at kanin.

Mabuti nalang ay tinanggap niya. Totoo ang sinabi ni Denise pinaka ayoko na tinatanggihan ako pagdating sa pagkain na ibinibigay ko.


DAHIL tapos natapos ko na rin  ang librong binabasa ko ay ngayon ko pa naisipang basahin ang mga messages ko sa phone. Open messages. Sobrang daming text at unknown number pa.

"Hi crush."

"Hi crush. Alam mo bang lagi kitang pinagmamasdan sa malayo."

"Hi crush. Kahit sa pag-uwi lage akong nakatanaw sayo."

Nakaramdam ako ng kaba dahil bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Ang lalaking sunod ng sunod sa akin. kahit sa text ini-stalk niya ako. Nakakakatakot kaya nataranta akong tumakbo at hinanap ko si Denise. Nakita ko si Denise na lumabas galing sa C.R. Hinila ko siya agad.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon