Chapter 23- Tresure Hunting

1.6K 41 0
                                        

MARCO'S POV

Location no. 1 : " Sa lugar kong saan tanging kaming lang mga babae ang pwedeng pumasok?"

Ayos lang sana sa'kin ang hindi makuha ang number niya pero ang i-blackmail ako ng ganito parang hindi na tama. Hinahamon niya talaga ako ni Raine. Ganito ba talaga siya kalupit sa mga nanliligaw niya. Ang pahirapan sila hanggang sumuko.

Wala akong magagawa kung di ang sundin siya dahil nakakahiya naman kong ipakalat niya ang picture ko na ang dumi-dumi na nakahiga sa daan.

Binasa ko ko ulit ang tanong niya sa papel.

"Anong klaseng tanong to?" Nag-isip ako nang nag-isip.

Ilang minuto na ang nakalipas pero walang sagot ang pumapasok sa utak ko.
Lumabas muna ako ako sa room para makalanghap man lang ng sariwang hangin at baka sakaling may maka-isip ng sagot.

"Anong binabasa mo gwapo?" baklang boses sa likod ko.

Medyo nagulat ako sa boses na yon. Paglingon ko ang baklang nagpahiram sa akin ng payong, noong pine-pressure ako ni Raine na humanap ng payong.

"Wala binabasa ko lang ang isang tanong ng isang malditang pangit na nakilala ko." sagot ko sabay tago ng papel sa bulsa.

"Ganun ba? ano bang klaseng tanong yan baka kasi matulungan kita." bakla parin niyang tanong.

Nag-isip muna ako. Naalala ko na siya. Siya ang mag-ari ng payong na inagaw ko.

"Okay." tamang-tama susubukan ko siyang tanungin baka sakaling alam niya ang sagot.

Inamin ko medyo may pagkamahina rin ang utak ko.

"Sa lugar kong saan tanging kaming lang mga babae ang pwedeng pumasok?" tanong ko.

"Hay naku. Ang dali lang ng sagot niyan syempre babae din kaya ako."

"Sabihin mo sa akin saan?" sabik kong tanong.

"Ready mo na bang malaman." bakla niyang wika.

"Sabihin mo na."

"Sure?"

"Oo."

"Sa CR ng mga babae."

Napaawang ang bibig ko. Wag mong sabihin kailangan kong pumasok sa C.R ng babae para sa stupid treasure hunting na ito.

"Sa CR ng mga babae! Hindi maari!" bulaslas ko.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Pwedeng pahingi ng favor? tulungan mo ko please."

Bigla niyang pumiglas sa mga kamay ko at napataas ang kilay. "Hay naku. Kung hindi kalang gwapo hindi kita tutulungan." bakla niyang wika.

"Salamat... Hayaan mo babayaran kita sa kabaitan mo."

"Sino ba naman ang magtutulungan eh.. tayo-tayo lang naman mga bro!" boses lalaki.

Natawa ako sa boses lalaki niya. "Wag kanang magkunwari bumigay kana."

"May magagawa pa ba ako." balik sa baklang boses.

"Teka... Palagi kitang nakikita. ano bang pangalan mo?" tanong ko.

"Tyrone sa umaga, Theresa sa gabi." masaya niyang wika.

Napailing nalang ako. Bakla nga talaga siya. Matapos ng pag-uusapan namin ay sinamahan na niya ako sa Girls CR.

Uwian na bakit marami paring gumagamit ng CR? ang sama talaga ng ugali ng Raine na yon sa dami-daming lugar sa CR pa ng mga babae nilagay ang kasunod nito.  Kunwa kaming nakatayo sa labas ng CR na parang lalaking-lalaki kung mag-usap.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon