Chapter 40- Pustahan

1.5K 42 8
                                        

RAINE’S POV

Nagbabangaan na ang mga mata namin dalawa ni Marco nang biglang pumagitna sa amin si Denise.

"Wag kayong mag-away dalawa," yumakap sa akin si Denise.

Si Marco pinigilan din siya ni Ryan at iba namin mga classmate habang nakakibit-balikat sa kanya.

“Boss, relax.”

"Aminin mo na Marco, kahit kailan tanga ka talaga!" sabi ko.

"Ang yabang mo! Hindi totoo yan!"

"Hindi nga ako nagkamaling eh, basted ka! Dahil alam kong wala talagang future ang bestfriend ko sayo.. Utak gong-gong!"

"Ano'ng walang future? Mayaman kami! Ako lang naman ang kaisai-isang tagapagmana ng business namin na Hotel at Restaurant ng daddy ko, kaya wag kang magsalita ng ganyan!"

"Alam ko! Pero sa tingin mo? Mapapatakbo mo ba ang negosyo ng daddy mo kong tanga ka! kawawa naman ang business ng daddy mo kong ikaw na ang mamahala, Baka ma bankrupt lang ng dahil sa katangahan mo!"

"Ang yabang-yabang mo talaga, ang sakit pang magsalita!"

Gusto niya akong patulan talaga pero hawak siya ng mga kaklase kong lalaki kaya hinding-hindi siya makakalapit.

"Bakit totoo naman huh!"

Sa pagtatalo namin ni Marco ay lumapit si Margarette sa amin. "You’re too much Raine, maliit lang nakuhang score ni Marco, sobra ka naman makapintas!"

"So ano tagapagtanggol ka na pala ngayon Margarette, akala ko ba Queen bully ka?"

She gretted her teeth na parang gusto niyang makigulo sa amin.

"Tumigil na nga kayo sa away ninyo!" pigil ni Edward kaya natahimik kaming lahat.

Huminahon muna ako sandali dahil nahihiya ako kay Edward. Nadala na naman ako sa aking emosyon.

"Bakit hindi nalang kayo magpustahan?" wika ni Margarette.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

Napakunot-noo ako. "Ano'ng pustahan?" tanong ko.

"Oo, Pustahan!”

Kanina na Denise na yakap ako ay pumwesto sa likod ko nang lumapit sa akin si Margarette at hinarap ako. Mahigpit na humawak si Denise sa balikat ko habang nakatayo sa likod.

“Kung sino sa inyong dalawa ang mananalo sa pustahan. Gagawin ng talo ang gusto ng nanalo."

"Para saan ang pustahan na 'yan?"

"Gusto kasing patunayan ni Marco na hindi talaga siya tanga.. diba Marco?"

"Tama si Margarette, bakit hindi tayo magkaroon ng pustahan.. Para patunayan ko na hindi ako tanga!" sang-ayon ni Marco na binitawan na nang mga ka-klase naming lalaki.

Ramdam kong pinagkakaisahan na ako ng dalawang ito si Marco at Margarette.

"Ano'ng klaseng pustahan ang gusto ninyo aber?" tanong ko.

I get curious sa gusto nilang mangyari. Pumagitna si Margarette sa aming dalawa ni Marco.

"Bukas may Exam sa History... Kung sino ang mas mataas ang marka, siya ang panalo." sagot ni Margarette.

"Ano'ng kondisyon?" muling tanong ko.

Lumapit sa akin si Marco. "Kapag ako ang nanalo sa pustahan, Girlfriend ko na ang bestfriend mo."

Si Denise magiging girlfriend niya? Napatingin ako kay Denise na nasa tabi ko. Sa tuwing nakikita ko ang innocenteng mukha ni Denise, mahinhin, mabait, matalino, tila ayokong mangyaring mapunta lang siya sa Loser na 'to.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon