Chapter 32- Chocolate

1.5K 31 6
                                        

RAINE'S POV

Sa Cafeteria lunch time. Habang naghihintay kaming dalawa ni Denise kay Marco na inutusan kong ibili ako ng lunch ay hindi ko inaasahan na dadating si Edward my love ko.

Nakakasilaw talaga ang gandang lalaki niya. Nakangiti siyang lumapit sa table namin.

"Hi, pwede bang sumalo sa inyo sa paglunch."

Napatingin ako kay Denise ay kinalabit ko ang tuhod niya sa ibaba ng lamesa.

Para sinenyasahan siyang kinikilig ako. Napangiti din siya sa akin. Sinenyasahan din niya akong umurong ako sa upuan para makaupo si Edward.  Mabuti nalang at madali kong na-gets ang ibig sabihin niya kaya umurong agad ako.

"Sure, dito ka oh." Sabay pagpag ng inupuan ko kanina.

Effort na effort ako basta kay Edward my future husband ko.

"Salamat." Nakangiting wika niya.

Uupo na sana si Edward sa tabi ko ng biglang sumulpot ang Loser at umupo sa tabi ko. Inagaw niya ang upuan ni Edward na hinanda ko.

Ang tangang Marco biglang sumulpot, chance ko sana yon makatabi ang crush kong si Edward. Naging bato pa.

"Nandito na order mo Miss Maldita." masiglang wika niya.

Ang sarap batukan ang lalaking to!

"Siguro dito nalang ako tatabi kay Denise." Sabi ni Edward.

Dahil hindi na siya makatabi sa akin dahil kinuha na ni Loser wala na siyang choice kundi doon umupo sa tabi ni Denise kung saan bakante.

Gusto ko sanang ilipat si Marco sa tabi ni Denise pero huli na ang lahat dahil nakaupo na si Edward.

"Nandito na ang pagkain bakit ang lungkot ng mukha mo dyan?" tanong ni Marco.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kung alam mo lang ang dahilan, ang sarap sabunotan ng buhok ng Loser nato.

"Thank you!" Galit kong wika at marahas kong kinuha ang inutos kong order.

"Nagthank you nga pero parang labag naman sa kalooban, kausapin mo nga Denise ang bestfriend mo hindi ko maintindihan." Reklamo ni Marco.

"Shut up!" inis na wika ko.

"Puso mo Raine." wika ni Denise.

"Don't worry Denise, okay pa ang puso ko tumitibok pa naman." Masama parin ang tingin ko kay Marco.

"Kumain na tayo.." yaya ni Edward.

Basta boses ni Edward ang naririnig ko, nagiging anghel na ako kaya behave agad. Nagugutom narin ako. Habang kumakain kaming apat napansin kong parehas pala ng ulam sila Denise at Edward. Adobong baboy.

"Wow.. Coincidence, same kayo ni Edward ng ulam Denise." wika ko.

"Oo nga noh... nagkataun lang siguro." sabi ni Denise.

"Favorite ko kasi ang adobong baboy Raine." ani ni Edward.

"Ah..." now I know paborito pala ni Edward ang adobong baboy. Isusulat ko yon sa listahan ko.

"Pwedeng patikim ng adobo mo Denise." Sabi ni Marco.

Naku lumabas na naman ang pagka-epal ni Marco.

"Sure." Binigyan ni Denise si Marco.

Tinikman niya. "Wow.. ang sarap naman nito Denise."

"Salamat."

"Magaling naman talagang magluto si Denise... mas magaling pa yan magluto sa mama niya." sabi ko.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon