RAINE'S POV
Sa galit ko sa ginawa ni Margarette sa cellphone ni Denise ay nagnais akong maganti sa kanya. Pumunta ako sa bandang locker niya at pagdating ko doon ay bagong kandado na ang gamit niya.
Sinubukan kong hilahin iyon pero sadyang matibay na lock ang binili niya. Matalino din siya dahil alam niyang ta-targetin ko ang locker niya matapos ng nangyari.
"Ano'ng ginagawa mo sa locker ni Margarette?" tanong ng boses babae sa likod.
Paglingon ko ay si Denise. "May balak akong supresahin si Margarette tulad nang ginagawa ko dati." sagot ko.
"Gaganti ka 'no?" nag-alalang tanong niya.
Hinarap ko siya. "Hindi ako papayag sa ginawa niya sa cellphone mo."
"Huwag na Raine, bibili na lang ako ng bago. Luma na rin 'yong cellphone ko."
"Pero hindi pwede! Kung may kasalanan sila sa'yo dapat ay pagbayaran nila!"
"Mapapa-away ka naman ng dahil sa akin 'eh."
"Wala akong pakialam kong mapa-away ulit ako." sabi ko at iniwan siya.
"Raine!" tawag ni Denise.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad dahil alam kong ang pag-uusapan lang namin ay ang pigilan ako. Hindi ako makakapayag na gawin nila Margarette ang gusto nila sa school.
Kung masama ugali nila papatunayan ko sa kanila na mas worst ako.
Pagpasok ko sa pintuan ng bahay namin sinalubong na ako ni Mommy. Medyo madilim na akong nakauwi dahil nagpasama pa ako kay Denise na mamili ng gamit para sa report ko bukas. Sinara ko ang pinto.
"Oh Raine! mabuti dumating kana." masayang salubong ni Mommy sa akin.
"Bakit? Ano'ng meron?" tanong ko habang hawak ang lalayan ng bag ko.
"Sayang hindi kayo nagkita ng kuya mo."
"Si Kuya? Nandito siya?"
"Oo pero umalis na muna sandali."
"Ano'ng balita mommy? Sino na namang babae ang pinakilala niya sa'yo?"
Iyon ang palagi kong tanong kay mommy kapag dumating si Kuya kasi since elementary pa ako kahit sino-sinong babae ang pinapakilala sa amin ni Kuya Raymond. Hanggang naglaon ay nasanay na rin kami.
"Ang totoo wala siyang babaeng pinakilala sa akin ngayon," wika ni Mommy.
"Duhh.. Himala wala siyang girlfriend ngayon," nagkrus ko ang braso ko. "Siguro na sa bar na naman yon."
"Pabayaan mo na minsan lang yon umuwi dito."
Hay naku! Ganyan talaga si Mommy. Spoiled niya si Kuya Raymond kaya hanggang ngayon hindi pa siya binibigyan ng apo. My immatured brother hanggang ngayon immature pa rin. Napa-iling ako at tumungo papuntang hagdan.
"Kumain kana dito," yaya ni Mommy na naghahain ng pagkain kasama ang yaya namin.
"Magbibihis muna ako." wika ko habang umaakyat ng hagdan.
Nakakapagod ng araw na ito pero okay na ito kaysa noong nakaraang araw. Wala na ang pasaway na Marco na nakakastress ang pagmumukha.
Ilang sandali ay mabilis akong nagbihis ng damit. T-shirt na stripe at mini-skirt na itim ang pambahay ko. Napaupo muna ako sa kama sandali.
Natigilan ako ng napansin kong parang may kulang na gamit sa bandang kanan ng kama ko. Ang Baseball bat ko!
Nasaan ang baseball bat ko? Hindi ako pwedeng magkamali dito ko lang nilalagay ang baseball bat ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid ko at wala nga siya dito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Fiksi RemajaMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)