Chapter 20- Roses

1.8K 42 3
                                        

MARCO'S POV

Pabaksak akong napaupo sa malambot naming sofa at katabi ko si Ryan na nauna pa sa akin nauwi galing sa school. Katulad ng una siyang nakita dito sa bahay, ganoon pa rin nanonood ng TV.

"Boss, kamusta na?" masiglang tanong niya.

"Heto.. nasususka ako sa pinag-gagawa ko."

"Bakit?"

"Hindi ko akalain na dapat ko tong gawin na magbaitbaitan ako sa harap niya. Ang sarap mangbugbug ng isang studyante para malabas ang inis ko."

"Alam mo Boss... tiisin mo lang! masasanay karin." inakbayan niya ako. "Alam mo, gusto mong bigyan kita ng tips ng pagliligaw..."

"Tips?" tanong ko.

"Oo..Tips para ikaw ang kauna-unahang suitor niya na magpapaibig sa kanya."

Sa tuwing kaharap ang lalaking ito hindi ko alam, ano ang tumatakbo sa isip niya. Naisip ko rin na bakit hindi ko subukan.

"Ano na naman 'yan?"

"Ito simula bukas lagi mo siyang bigyan ng rosas sa locker niya... Like everyday."

"At bakit?"

"Ang mga babae kasi gusto nila ang
sino-surprise. Gusto nila romantic yung guy."

"So araw-araw akong maglalagay ng roses sa locker niya?"

"Oo.. parang gano'n na nga." natawa ako sa sinabi niya.

"Pare, ang gastos naman yan!" reklamo ko.

"Boss, ano ka ba! 29 days na lang ang kulang matatapos kana... Patient is a virtue."

Natawa ako sa quotes niya. Kahit papano may point din siya. Napabuntong hininga ako.

"O sige gagawin ko yang sinabi mo pero sure ka na effective 'yan?"

"Basta sa gimik na ganyan. Expert ako dyan." pagmamayabang niyang wika.

Napailing ako. Hindi ko alam kong bakit ako sumusunod sa kanya pero susubukan ko. Wala namang mawawala.

SA ELITE CENTRAL HIGH GATE. Wala pang 7:00 o clock nandito na ako sa school. Maaga akong gumising ng umaga upang maunahan ko sa pagpasok si malditang pangit.

Ilang sandali ay nainip na rin ako kaya di ko maiwasang makatingin sa relo ko.

"7:25 o clock na wala pa ang bruha na yon." biglang wika ko.

"Sinong bruha?" galit na boses ni Raine.

Bigla akong napalayo sa kanya dahil sa gulat ko. Napalunok ako. Hindi ako akalain na susulpot siya sa likod ko. Malas!

Mahinang tawa ko. "Nandyan ka na pala." bawi ko.

"Sinong bruha ang sinabi mo?" naningkit ang mata niya sa akin.

"W-wala." sinungaling kong sagot.

"Duh. Kahit hindi mo sabihin ako 'yon! magsisinungaling na nga lang halata pa. Loser talaga!" mataray niyang sabi sabay daan sa kilid ko papasok ng gate.

Loser? ang agaga nang-aasar na siya. Ewan ko kahit ano'ng pilit kong maging mabait sa kanya. Kung ganito siya palagi ang hirap magtimpi.

"Eh.. Bakit nagtanong ka pa?" galit na tanong ko.

Natigilan siya at nilingon ulit ako.
"So tama nga ako! Alam mo ba kung bakit ko tinanong 'yon?"

"Bakit?!"

"I just want test you kung nagsisinungaling ka! and I think magaling ka ngang magsinungaling."

"Yun lang maliit na bagay! nagagalit kana?"

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon