Chapter 24- Mirror

1.6K 38 4
                                        

MARCO'S POV

Pagdilat ng mga mata ko sa umaga. Isang sakit sa balakang ang agad na naramdaman ko. Tang-ina anong nangyari sa katawan ko.

"Aray! Pre gumising ka!" sigaw ko kay Ryan sa nahihimbing sa sofa.

Sa lakas ng sigaw ko ay nagising siya at natarantang lumapit sa'kin.

"Bakit boss? Anong nangyari sayo?" dali niyang tanong.

"Ang sakit-sakit ng likod at tuhod ko pre..." daing ko.

"Naku. Body pain yan pre... resulta na yan sa tresure hunting ni Raine kahapon."

Napa-upo ako sa kama habang nakahawak ako sa balakang ko.

"Walang hiya talagang malditang pangit na yan. Parang akong kinulam niya ang buong katawan ko. Ang sakit-sakit!" reklamo ko habang namimilipit sa sakit.

"Wag kang mag-alala Boss... kukunan kita ng gamot." sabay alis sa kwarto.

Sobrang sakit talaga yung parang halos binugbog ang likod ko at arthritis ang tuhod ko. Pinilit kong maupo kahit medyo nahihirapan ako.

"Ito na boss gamot sa body pain galing kay Manang." sabay abot sa akin ni Ryan kasama ang tubig ng baso.

Mabilis kong ininom, sa ngayon medyo nahimasmasan na ako at sana mawala na rin ang sakit.

"May pagka-mangkukulam siguro yang Raine na yan noh!"

"Sa totoo lang boss hanga ako sayo eh... alam mo ba noon walang mangahas na makuha ng number niya dahil sa lupet ng ugali niya tulad ng ginawa niya sayo kahapon."

"Yon na nga eh. Hindi ko maintindihan pre. Bakit ganun na lang siya kalupit sa mga lalaki?" tanong ko.

"Pasensya na Boss... Hindi ko nga alam eh..." malungkot niyang wika.

"Naging broken-hearted ba siya?" hanggang ngayon ay nahihiwagaan ako kay Raine.

"Paanong magiging broken-hearted yon eh... hindi naman nagka boyfriend si Raine. Ewan ko lang sa dati niyang school."

Napaisip ako. "Dating school?"

"Oo.. transferee student kasi yan si Raine last year, pero impossibleng magboyfriend yon noon kasi galing siyang girls school wala namang lalaki doon."

Medyo naguluhan ako. Nag-umpisa na akong mapaisip at macurious tungkol sa pagkatao ni Raine na masungit.  Bakit ba ang sama ng ugali niya pagdating sa lalaki?

"May pagka mystery din ang malditang pangit na yon nuh?"

"Alam mo boss since may date kayo ngayon. Bakit hindi mo siya tanongin?"

"Hay naku.. Baka kung tanongin ko, baka gawin na naman niya ang tresure hunting niya sa akin mahirap na baka ikamatay ko na talaga yon."

"Kung sabagay may tama ka. Kahit kailan hindi mo mababasa ang takbo ng utak ni Raine."

Biglang mayroong pumasok sa isip ko.

"Ano kaya ang weakness ng malditang yon?"

"Kahinaan ba kamo?"

"Oo kahinaan? Kasi ang pa-ibigin ang babaeng yon parang impossible sa akin. Kung weakness ang target natin. Siguro lahat ng tao may kahinaan."

Nanlaki ang mata niya at napalingon sa akin.

"Ang talino mo boss... Henyo ka talaga. Kung sabagay hindi ko yon na-isip." masaya niyang wika.

"Ang problema, Anong kahinaan niya?"

"Yung bestfriend niya si Denise basta pagdating sa kaibigan niya napansin ko napaka-sensitive niya." payo ni Ryan.

"Naku wag na nating idamay si Denise. Mahal ko yon."

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon