MARCO'S POV
Bumalik na kami sa kanya-kanyang upuan namin nang dumating si Ma'am Valdez. Habang nasa upuan ako ay hanggang ngayon ay hindi ko sukat maisip kung bakit ganun na lang magbabala sa'kin si Ryan tungkol kay Raine lalo na sa tinatawag nilang cmi30 niya.
Totoo ba na unpredictable at walang puso sa mga manliligaw si Raine. Loser suitor? Saan niya ba nakuha ang palayaw na 'yon! Kahit kailan kung ano-anu na lang ang pumapasok sa babae ito.
Isang malakas na sipa ang gumising sa ulirat kong utak. Napalingon ako sa likod dahil sa gulat ko.
"Bakit ka ba naninipa?"
"Bakit angal ka? wag mong sabihin na magagalit ka sa babaeng nililigawan mo?"
Simula ngayon ay siya na ang liligawan ko. Ang malditang pangit na ugali na babaeng ito ay nararamdam kong pagtri-tripan ako nito. Wala talaga siyang puso!
"Hindi ako galit." kailangan kong maging pasenyoso dahil wala akong choice kundi ang pakisamahan ang mayabang na babaeng ito.
"Twin, huwag ka naman maging harsh kay Marco!" nakatingin na Denise sa amin.
Napalingon ako. Mabuti pa si Denise ina-alala ako at may mabait na puso, ibang-iba sa bestfriend niya ay parang pinalihi sa ampalaya na hindi ko maintindihan.
"Ano kaba Denise! Ikaw nag-umpisa nito kaya ako ang tatapos. Hindi ka pwedeng makialam!" sa sobrang sama ng ugali pati bestfriend niya ay sinisigawan niya.
Nakakapagtaka lang kung paano naging magbestfriend itong dalawa samantalang sobrang layo ng mga ugali.
Hindi na ako umimik dahil ma-basted ako ni Raine. Kailangan kong mabait dahil wala akong choice. Dapat kong patunayan sa babae ito na iba ako sa mga nanligaw sa kanya. Ako si Marco Ruiz Montellier ang magpapasagot sa kanya.
"Mr. Montellier, what happened to your uniform?" strictang tanong ni Ma'am Valdez.
"This Ma'am, Bakit hindi ninyo tanungin ang babaeng nasa lik---" naputol ang sasabihin ko dahil sa sipa ni Raine mula sa likod.
"Sabihin mo, humanda ka sa akin." bulong niya agad sa'kin.
Tanginang babaeng to, tinakot ba naman ako!
"Marco, I'm asking you?" tanong ulit ni Ma'am Valdez
"Ma'am." sabay tayo kayo. "Kaya madumi ang uniform ko kasi ito ang bagong Fashion ngayon." pinagtawanan ako ng mga classmate ko dahil sa naging sagot ko. Kaysa sabihin ko naman ang totoo siguradong babalikan ako ng parang siga na si Raine. "Ano sa tingin ninyo classmates, bagay ba sa akin?" nakangiti tanong ko pa sa lahat.
"Bagay na bagay sa'yo Marco," sagot naman nilang lahat.
"Salamat kay Raine, ang galing niyang stylist." makangiting sabi ko pero sa totoo lang gusto ka na talagang kutongan itong si Raine sa pinagagawa niya sa akin.
Nagpalakpakan din ang mga hunghang na mga classmate ko lalo na ang mga lalaki.
"Quite! Quite! hindi na ako magtatanong dahil parang wala naman akong makukuhang magandang sagot. Okay, let's start the class." sabay kuha ng chalk nito.
Umupo na rin ako at bumalik din sa normal ang lahat. Humanda ka talaga sa akin Raine kapag natapos kitang ligawan, Ikaw babae ka! araw-araw kitang aabangan sa labas pag-uwe para makaganti. Papakita ko sayo ang bangis ng isang Montellier na kinalaban mo!
Sabi ko sa isip habang nakatingin ako sa likod kung saan doon siya nakaupo.
Sa masamang tingin ko sa kanya binigyan niya lang ako ng "L" sign gamit ang kamay niya at bumulong. "Loser..."
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)