MARCO'S POV
Maliwanag na ang sikat ng araw na mula sa bintana. Mula sa higaan ko ay nagising akong hawak ni Raine ang kamay ko. Ang malditang pangit nahihimbing ang tulog at nakaupo sa sahig habang hawak ang kamay ko buong gabi.
Sa ginawa niyang ito ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Bakit ba ang bait niya at inalagaan ako kagabi?
Sa pagbangon ko mula sa kama ay ramdam kong magaling na ako. Pakiramdam ko na parang hindi ako dumaan sa pagkakasakit. Nakakawa naman si Raine kong iiwan ko siyang ganito ang itsura kaya nagpasya akong bihatin siya ko at ihiga sa kama ko.
Ang malditang pangit na to kapag natutulog mukha siyang anghel pero kung gising sobrang sama ng ugali. Kaya Malditang pangit ang tawag ko sa kanya. "Malditang pangit ang ugali."
Pumunta ako sa kusina para uminom ng kape. Nadatnan ko ang Mommy ni Raine na naghihiwa ng mga sibuyas.
"Oh Marco, magaling ka na ba?"
"Magaling na po ako tita."
"Mabuti naman." mabait niyang tinig.
"Anong niluluto ninyo?"
"Sinigang na karneng baboy."
"Ahhh..."
Naalala ko tuloy ang Mommy kong palaging akong pinagluluto ng favorite kong beef stake.
"Pwede bang tumingin kong paano ninyo niluto?"
"Oo naman, alam mo bang paborito ito ni Raine."
"Talaga." ngayon ko lang nalaman na favorite pala ni Malditang pangit ang sinigang.
Habang nagluluto si Tita ay nagmamasid lang ako kung paano niya niluto ang paboritong ulam ni Raine na sinigang.
Nang matapos ng lutuin ni Tita ang ulam ay madali kong naisaulo kung paano niya ito niluto. Noong bata pa ako lagi akong nakatingin kay Mommy kong paano magluto kaya nakakamiss ang tulad na ganito.
"Yan luto na." wika ni Tita.
Ilang saglit ay biglang dumating si Raine. Nagising narin ang Malditang pangit na nagtatanggal pa ng muta at pa hikab-hikab pa na pababa sa hagdan.
Pagharap niya sa akin ay ngayon ko lang napansin na kahit bagong gising siya ay maganda pa rin siya.
"Bakit hindi mo ko ginising kanina?"
"Hindi na kita ginising kasi tulog na tulog ka."
"Dapat ginising mo ko para doon ako matutulog sa kwarto ko."
"Kwarto mo at kwarto ko parehas lang na may kama."
Natahimik siya. Lumapit siya sa lamesa at umupo sa upuan.
"Ipagtimpla mo nga ako ng kape Marco." utos niya sa akin.
Sa tono ng pananalita niya napaka-bossy niya kaya hindi nakakapagtakang nanlaki ang mata ng Mommy niya sa narinig.
"Raine, Bakit ang lakas mong utusan ang bisita natin? Hindi kaba nahihiya sa pinagsasabi mo?" biglang tanong ng Mommy niya.
Napabuntong hininga siya.
"Mommy, willing pong gawin ng bisita natin ang pinag-uutos ko diba Marco?" malambing niyang tinig.
Malambing ang tono ng pananalita niya pero kalakip nito ay pananakot sa akin kung hindi ko gagawin ang pinag-uutos niya.
"Wag po kayong mag-alala Tita, madali lang naman ang pinag-uutos niya." sabi ko.
"Naku, wag na Marco ako na lang. Pasensyahan mona si Raine kasi may pagka-spoiled yan dito kasi bunso."
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)