MARCO'S POV
Sa malawak na park na-isipan ni Raine na mamasyal muna kami doon bago umuwi. Pumayag din ako dahil gusto din makalanghap ng sariwang hangin doon.
Napaupo siya sa bench, kaya uupo na rin ako.
"Marco, ibili mo nga ako ng tubig." utos niya.
Hindi pa ako nakakaupo ay inutusan na niya agad ako. Ang tono nang pananalita niya kung maka-utos ay daig pa ang boss ng isang companya.
"Bakit?" tanong ko.
"Sa tingin mo, uutusan kita kung hindi ko kailangan? Nauuhaw ako." napakrus siya ng mga braso.
Sa tagal namin na pagsasama ngayon araw na ito ay napansin ko na mannerism na niya ang mapakrus ng mga braso.
Sa tuwing ginagawa niya yun ay mas lalong nakakatok siya tignan, sabayan pa niya nang nanlilisik na mga mata kapag nagagalit. Hindi ko alam kong bakit maraming nagkakagusto sa babaeng katulad nito samantalang ang sungit naman.
Napabuntong hininga ako.
"Anong gusto mo? half litter o one liter?"
"Kahit anong basta tubig!" nakaka-inis ang tono ng pananalita niya sobrang demanding.
"Yes Ma'am." sabay talikod ko.
Naghanap ako ng tindahan at ilang sandali ay nakabili na rin ako. Bitbit ang one liter na mineral water. Malapit na sana ako sa kina-uupuan sa malditang pangit na Raine ng may biglang humarang sa daanan ko.
"Hoy Marco, long time no see." bati sa akin na tila pamilyar sa akin na matabang pangit na lalaki. May kasama pa siyang dalawang side kick.
Nag-isip ako kung sino itong humarang sa akin. Hanggang naalala ko na. Isang taon na kami hindi nagkita ng lalaking ito dahil sa tumaba siya hindi ko agad na kilala.
"Ikaw pala botchokoy! Long time no see din." nakangising wika ko.
Napakunot-noo siya. "Anong botchokoy? Hindi botchokoy ang pangalan ko!"
Napangiti ako. "Pero botchokoy ang tawag ko sayo noon." asar ko.
"Hindi ka parin nagbabago, malakas parin mang-asar mabuti naman umalis kana sa school natin."
"At hinarang mo pa ang dinadaanan ko dahil ba na miss mo ang pang-aasar ko sayo botchokoy."
Napakunot-noo siya. Mukha na siya naasar kaya pumorma na ako para handang labanan siya. Ang lalaking ito ay parang si Jeric sa Elite Central High kaya medyong namiss ko din ang mga mokong na ito.
Handa na rin siya pati ang mga kaibigan niya para umpihan ang gulo.
"Loser, bakit ang tagal mo! Alam mo bang mahihimatay na ako sa uhaw sa kakahintay sayo." si Raine biglang dumating mula sa likod ko.
Natigilan kaming lahat.
"Pasensya na may kina-usap lang ako." Kung kailan mag-uumpisa na kami ay naantala pa dahil sa pagdating niya.
"Sino ba ang kinakausap mo? yang matabang maitim at pangit na lalaki na yan?" panglalait niya.
Napa-awang ang tatlong kalaban ko. Bakit pa siya lumapit dito? Nakuha pa talaga niyang manlait sa mismo sa mga gangster na ito.
"Nangangaginip ba ako? Sinabihan ba naman akong matabang, maitim at pangit ng babaeng ito!" galit na wika ni Botchokoy.
"Bakit hindi mo sampalin sarili mo! Tapos kapag hindi ka nagising ibig sabihin hindi ka nanaginip botchokoy!" asar ni Raine.
Wala na! nagliliyab na sa galit si botchokoy sa sinabi niya. Kung troublemaker ako, mas troublemaker pala ang babaeng ito.
"Ikaw!" nais niyang sugurin si Raine at saktan kaya bago pa siya makalapit ay humarang na ako.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)