Chapter 48- Blind date

1.2K 40 11
                                        

RAINE'S POV

[THIRD DAY OF INTRAMURALS]

Naglalakad ako papuntang office nang biglang may tumulak sa akin mula sa likod. Malakas ang tulak na iyon pero mabuti ay hindi ako natumba. Ang sakit non huh! Sinong nanulak? Pagtingin ko sa likod si Margarette pala ang tumulak sa akin.

"Hoy Raine! ikaw 'yung nagpadala ng sulat sa message booth, gamit ang pangalan ko no?" galit na tanong niya.

"Mabuti alam mo? " natatawa akong umatras papalayo sa kanya.

"Walang hiya ka! Dahil sa ginawa mo maraming gustong ma blind date ako!" inis na wika niya.

"Ang lakas mo kasing mang-asar 'yan ang bagay sayo!" asar ko.

"IKAW!" balak niya akong saktan kaya tumakbo ako at daling nagtago sa likod ni Marco.

"Marco! Inaaway ako ni Margarette!" sumbong ko.

"Sumbongera ka pala eh!!" pilit pa rin akong hinu-huli ni Margarette.

"Tumigil na kayong dalawa para kayong mga bata!" inis na wika ni Marco na pumagitna pa rin sa aming dalawa.

Gusto akong mahawakan ni Margarette dahil sa galit niya sa akin pero ginagamit kong human shield si Marco para hindi makalapit ang Queen bully na ito sa akin.

Hanggang napagod na rin si Margarette. Hindi niya ako mahawakan dahil sa galing kong magtago. Kawawang Queen bully, talo sa akin.

"Humanda ka sa akin Raine, babalikan kita!" banta niya.

Nang tuluyan nang umalis si Margarette ay ang lakas naman nang tawa ko.

"Ano bang ginawa mo sa kanya?" tanong ni Marco.

"Gumanti lang naman ako, nagsulat ako ng maraming love confession at panagalanan ko kay Margarette tapos binigay sa message booth. Tapos kumbaga ang mga reciver ng mga sulat na ginawa ko, pinangalanan ko sa mga nanligaw sa akin."

"Sinong mga lalaki?"

"Si Dota player, Smoker, Playboy at si Panda lang naman."

Napailing si Marco. "Grave ka naman makaganti."

"Well, Revenge is my favorite hobby."

"Ikaw na, Nanalo kana."

Napangiti ako. Matapos ay nagyaya na siyang maglunch dahil nagugutom na daw siya. Pumunta na kami sa cafeteria para kumain ng lunch kasama sina Denise at Edward.

NANG minsang napadaan ako sa Blind date table nakita ko si Margarette na galing roon. Nagtago ako sa puno dahil baka makita niya ako at awayin ulit ako. Nang nakadaan na siya ay pumunta ako sa table ng Blind date.

"Ano'ng ginawa ni Margarette dito?" tanong ko sa babaeng facilitator.

"Meron siyang pina ba-blind date."

"Sino pwedeng malaman?"

"Pasensya na pero hindi pwede sabihin, policy kasi namin 'yon."

"Ganun ba." malungkot kong wika.

"Pwedeng kahit ngayon lang, baka kasi ako ang pina-blindate niya." pangungulit ko.

"Hindi talaga pwede Miss Vice. Pasensya na."

Nakakalungkot naman. Kung sabagay hindi ko naman sila masisisi dahil ginagawa lang nila ang trabaho nila. Biglang dumating si Ryan.

"Raine, what are you doing here?" tanong niya.

"Wala, napadaan lang."

"Ah, ganun ba." mabait niyang wika.

Napabaling siya sa facilitator. "Meron ako ipapablindate pwedeng pahingi ng form?" wika ni Ryan.

Falling for Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon