MARCO'S POV
Maliwanag na ang sikat ng araw pero nandito parin ako sa kama nakahiga at nanghihina. Isang malakas na katok mula sa pinto ang lalong nagpawala sa aking antok.
"Marco!" boses ni Raine.
Pagnakita niyang nakahiga parin ako dito siguradong magagalit na naman siya sa akin.
"Pasok!!" sigaw ko.
Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang pumasok. Naligo na siya at nakasuot na ng uniforme.
"Ano'ng nangyari sayo at bakit nakahiga ka pa dyan?"
"Tinanghali na ako nang gising."
"Ano ba mala-late tayo kong nakahilata ka pa dyan!"
Bumangon na agad ako dahil baka mahalata niyang nilalagnat ako ay mas lalo siyang magalit sa akin. Sa pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hilo. Hindi ko man gustuhin pero napaupo ako sa kama.
"Ano bang nangyayari sayo?" nalapitan niya ako.
Nang mahawakan niya ang balikat ko. "Ang init mo, may lagnat ka?"
"Lagnat lang to, papasok parin ako."
"Masama na nga pakiramdam mo papasok ka parin. Baliw kaba?"
"Meron tayong assignment na ipapasa kaya kailangan kong pumasok!"
Pinilit kong tumayo ngunit talagang nanghina ang tuhod ko at nahihilo parin ako.
"Wag ka ng pumasok! Ako nalang gagawa ng assignment mo!" pinahiga niya ako sa kama. "Yan na nga sinabi ko eh, pinapayungan kita kahapon ayaw mo parin, yan tuloy nagkasakit ka." nakapamewang habang pinapagalitan ako.
"Eh sa gusto kong maligo sa ulan, ano bang paki mo?"
"Kukuha ako ng gamot, dyan kalang!" sabay alis.
Kung alam lang niya na ginawa ko iyon para hindi siya mabasa at gusto ko rin maligo sa ulan.
~FLASH BACK SCENE~
Hindi ko sinasadyang nasabi ko ang salitang iyon. Bigla nalang lumabas sa bibig ko iyon mismo sa harap niya. Katunog ng pangalan niya ang English ng ulan.
"Because I love Raine."
Natigilan siya sa paglakad. Tulad din niya ay parang natigilan din ako. Crap! Kinakabahan na ako. Sa tono ng pananalita ko ay parang nagconfess ako sa kanya. Habang hawak ang payong na ibinigay ko sa kanya ay mas lalo pa akong kinabahan dahil biglang nag-iba ang tingin niya sa akin na para bang binabasa ang iniisip ko. Ang tagal niyang magsalita.
"Well if you love rain, then I love umbrella." sabi niya.
"Ahh.. gusto mo pala ng umbrella, mabuti na lang at nagdala ako."
Badtrip para akong na Torpe ng oras na iyon. Hinila niya ang ulo ko gamit ang hawak niyang payong upang makalapit ako sa kanya.
"Sumilong ka sa payong dahil magkasakit ka!"
Lumabas ako sa payong.
"Baliw! Kung ayaw mong payungan kita di wag!" matapos ay naglakad na siya.
Naiinis ako sa sarili ko dahil naduduwag akong sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang habulin siya.
"Ayokong sumilong sa payong mo dahil basa naman din ako."
"Ikaw bahala! Buhay mo naman 'yan."
Matapos noon ay hindi na ako nagsalita pa.
~END OF FLASHBACK~
Habang nakahiga sa kama ay bumukas ulit ang pinto. Pumasok si Raine at kasama ang mommy niya.
BINABASA MO ANG
Falling for Heartless [COMPLETED]
Teen FictionMeet Raine Alexandra Plamonte ang babaeng kilala sa campus bilang walang puso lalo na sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Mabait din na kaibigan at overprotective lalo na sa bestfriend niyang si Denise. Marco ruiz Montellier fall in love with Denis...
![Falling for Heartless [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/94455175-64-k70354.jpg)