16 YEARS LATER
GAIL POV
"anak may pupuntahan tayo ayusin mo ang mga gamit mo pagkatapos nating kumain ang mga importante lang ang dalhin mo para hindi masyadong marami ang bubuhatin natin" sabi ni nanay saakin habang nag-aalmusal kami
"bakit nay ? San tayo pupunta?" tanong ko naman
"sa lugar kung saan lumaki ang iyong tunay na ina" nakangiting tugon ni nanay.
hindi kasi lingid sa aking kaalaman na hindi ako totoong anak ni nanay Elena bata palang kasi ako sinabi na niya saakin ang totoo na namatay ang aking tunay na ina sa panganganak saakin.
"talaga Nay? doon na rin po ba ako mag-aaral ng college?" excited kong tanung kay nanay
"oo anak kaya maghanda kana at aalis na tayo mamaya" sagot naman nito
binilisan ko na ang pag-ubos ng pagkain ko bago ako nagpaalam kay nanay na maghahanda na ako
Ayy!! nakalimutan ko magpakilala.(^_^)v
ako nga pala si Maxpain Gail Gonzaga, 16 years old . kilala niyo na ako ? hehe malamang nagpakilala na ako eh ^_^v"anak tapos kana ba ? tara na !" si nanay yan tinatawag na ako.
"opo nay ! nanjan na!!" lumabas na ako ng kwarto ko dala ang bagpack ko na sobrang daming laman pero hindi naman ako nabibigatan haha .. Amazing !! *____*
Alam niyo ba si nanay isa siyang witch yung may wand ?? hehe ang cool diba ?? pero hindi niya masyado ginagamit yung wand niya kasi nga secret lang daw yun !! cOoooOL !!
pumunta na kami sa terminal paluwas ng Maynila, sumakay kami ng bus, first time ko lumabas ng lugar namin kaya naman excited ako. ^_^ Umupo ako sa tabi ng bintana gusto ko kasing makita yung mga lugar na dadaanan namin.
3rd Person POV
hindi na namalayan ni Gail na nakatulog na pala siya habang ang kanyang ina ay nakamasid lang sa mga kasama nila sa loob ng bus, hindi niya alintana ang pagod na kanyang nararamdaman dahil gusto niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang anak-anakan. Nag-iingat rin siya dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na bampira ang kanyang anak kahit pa sabihin niyang mortal ang totoong ina ni Gail ay may lahi parin itong bampira, ngunit nagtataka siya dahil hindi pa man ito lubos na bampira ngunit lumalabas na ang kanyang mga kakayahan tulad ng sa mga bampira, at ang ama nitong pinuno ng mga bampira na kung tutuusin ay tinuturing na hari ng mga bampira, hindi lang niya lubos maisip na ang beloved nito ay isang mortal nakakapagtaka dahil ito ang unang beses na may nasaksihan akong ganito.
hindi na namalayan ni Elena na nakarating na pala sila sa kanilang destinasyon sa lalim ng kanyang iniisip, ginising narin niya si Gail para sila ay makababa na.
"Gail anak, gising na nandito na tayo" habang niyuyugyug niya si Gail
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...