Chapter 8

1K 42 0
                                        

Pinasa na namin ang forms bago kami pumunta sa canteen para kumain ng lunch namin hindi na rin pala namin namalayan ang oras, habang naglalakad kami papuntang canteen biglang nagring ang phone ko.

"hello po nay bakit po kayo napatawag?"

"Nak itatanong ko lang kung kumusta ka?"

"okey lang naman po Nay katatapos lang po ng meeting ng department namin papunta na po kaming canteen para kumain ikaw po Nay kumain ka na po ba?"

"oo anak tapos na, sige anak tatawagan nalang ulit kita mamaya para icheck ka, kumain ka ng marami"
sobrang caring talagani Nanay ^____^

"ahh Nay may itatanong po sana ako,"
nagpahuli muna ako para hindi marinig nila Tin at Jared ang sasabihin ko kay Nanay

"ano yun anak importante ba?"

"hindi ko din po alam nay kung importante eh, kasi Nay may nakasalubong kanina akong lalake biglang bumilis ang tibok ng puso ko para akong aatakihin sa puso"

"anak sa bahay nalang natin yan pag-usapan ha? ipapaliwanag ko sayo kung bakit ka nakaramdam ng ganyan"

"sige po Nay mag-iingat ka po, iloveyou po"

"iloveyou too anak ingat ka rin jan"

ibinaba na niya ang linya kaya ibinalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at ipinagpatuloy ang paglalakad

Pagdating namin sa canteen kami ni Tin ang naghanap ng mauupuan namin at si Jared naman ang pumila sa counter sabi niya kasi kanina na libre niya daw kami. Ang galante talaga niya, hehe

pumuwesto kami sa malapit sa aircon di pa rin naman kasi masyadong maraming tao at nasa gilid din kasi kami mas mabuti na rin yung sa hindi kami masyadong napapansin. After ng ilang minutes nakabalik na si Jared dala ang mga kakainin namin at dumarami na rin ang mga estudyante dahil iisang canteen lang ang ginagamit ng college students lahat ng course kaya kahit hindi mo kapareho ng course makikita mo parin sila. may sarili ding canteen ang elementary at highschool na mejo malayo saamin.

Nag-umpisa na kaming kumain ng biglang magsalita si Tin.

"Gail sinu yung kausap mo kanina sa phone mo?" tanong ni Tin naboboring na siguro kaya kung anu-ano na lang ang tinatanong

"Nanay ko, kinumusta lang ako" tipid kong sagot

"ahh ganun ba??, ang mamahal ng mga pagkain dito sa canteen no? dapat kanina dito ako magbebreakfast kaso hindi kasya sa budget ko." biglang lumungkot ang mukha niya

"wag ka mag-alala nandito naman si Jared" emotionless pa rin ako tapos bigla siyang namula

>\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\<

"nakakahiya naman Gail, dinadamay mo pa si Jared" bigla siyang yumuko siguro para hindi ko mapansin na nagblush siya ^_____^ too late darling because I already saw you:))

"eto na po ang ating mga pagkain" ^_____^ nakagiting sabi ni Jared bago umupo sa gitna namin ni Tin

"thanks pala sa libre ha?" nahihiyang sabi ni Tin

"its okey dont worry im willing to treat you ladies everyday" sagot ni Jared napatingin naman kami sakanya tapos bigla siyang ngumiti

mas lalo naman namula si Tin !!!!
yIeeehhhh !! kinikilig siya ^_____^v

"eh nakakahiya kaya!! ngayon pa nga lang tayo nagkakakilala tapos nililibre mo na kami" pagkatapos niyang magsalita yumuko ulit siya.

nagkatinginan kami ni Jared tapos ngumiti siya sakin ako naman pokerface parin -________- ayoko kasing nakikita nila ang emosyon na mararamdaman ko. Para masanay na sila sa ugali ko ipinagpatuloy ko nalang ulit ang pagkain ko pagkatapos kong tanguan si Jared.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon