Chapter 59

707 23 0
                                    

Maxpain Gail POV

Nadatnan namin si Laurent na naghihintay sa labas ng banyong pinagbihisan namin at halatang hinihintay niya kami. Napansin niya yatang nasa likod na niya kami kaya humarap siya saamin , ewan ko kung tama ba an napansin ko ngunit natigilan siya nung saakin na siya napatingin. psh !!! wala pala akong suot na salamin, nakalugay din ang magulo kong buhok. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang ponytail ko at itinali ang buhok ko isinunod ko naman ang salamin ko na nakaipit sa damit ko agad ko itong isinuot napaiwas naman siya ng tingin ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko naman itong kinuha at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller.

"hello??" pagkatapos kong magsalita ay isinenyas ni Tin ang mga hawak kong damit na suot ko kanina na dadalhin daw niya sa locker kaya agad ko itong ibinigay sakanya bago siya umalis papuntang locker.

 Napatingin naman ako kay Laurent O_________O ganyan siya na parang may nakitang nakakagulat !!! ano bang nangyayari sakanya kanina pa siya ah ??? kahit sakanya ako nakatingin ay nakikinig naman ako sa kausap ko ng bigla akong maalarma.

"po?????, sige po im on my way!!pakisabi po sa mga bodygurads na magbantay po silang maigi! bye !!"  natapos na akong magsalita ngunit kita parin ang gulat sa mukha ni Laurent , psh !! napalakas kasi yata ang boses ko hindi ko nalang yun pinansin.

"Laurent sorry pero kailangan ko ng umalis may emergency kasi sa bahay, thank you nga pala kanina." pagkatapos kong magsalita ay  agad akong tumakbo  papuntang locker room kung nasaan si Tin na agad ko namang nakita kaya lumapit ako agad sakanya.

"Tin may emergency sa bahay kaya kailangan kong umuwi sasama ka ba saakin ?" nagmamadali kong tanong sakanya nagulat pa yata siya kasi bigla nalang akong nagsalita sa tabi niya.

"h-ha ?? ba-bakit anong nangyayari??" after niyang makarecover sa gulat niya ay saka lang siya nagsalita

"may hindi magandang nangyayari,ano sasama kaba saakin ??" natataranta kong tanong hindi talaga mawala saakin ang pag-aalala

"a-ahh oo si-sige sasama ako sayo." hindi na niya itinago ang mga damit na dala niya at agad na kaming tumakbo sa gate ng school dahil naghihintay na saamin doon ang driver namin.

Pagdating namin sa gate ay hindi na nga ako nagkamali naghihintay na doon ang driver namin dahil yun ang sabi ni Nanay kanina agad naman kaming sumakay at hindi ko na pinansin kung sino man ang makakita saamin na sumakay kami ng kotse.

FLASHBACK ....

"hello??"  sagot ko sa tawag

"a-anak...." napatigil si Nanay sa sasabihin niya ngunit wala akong ideya kung bakit pero halata sa boses niya ang  kaba ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kaya hindi na muna ako umimik.

  " a-anak na-nakatanggap ako ng d-death threats at alam nila kung nasaang bansa ang grandparents mo, a-anak kinakabahan ako ka-kailangan mo ng umuwi pa-para mapuntahan mo sila please pakibilisan mo kanina ko pa pinapunta jan ang driver natin para sunduin kayo nagdagdag na rin ako ng mga bodyguards dito sa bahay para sa seguridad namin dito."  dagdag pa niya.

"po?????, sige po im on my way!!pakisabi po sa mga bodygurads na magbantay po silang maigi! bye !!" 


END OF FLASHBACK ....

Kung kay Nanay lang ay hindi ako mag-aalala dahil sa witch siya diba ??? diba ???  pero ibang usapan pag ang grandparents ko na ang pinag-uusapan kaya ako natataranta ng ganito. psh !! eto na nga ba ang sinasabi ko eh ! kailangan na nilang umuwi ngayon din !!! Di naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay may mga bodyguard sa labas ng gate at dumoble ang bilang ng mga bodyguards namin kailangan ko ding mag-ingat kahit hindi pa alam ng publiko na may apo sila. Wala naman akong napansing kakaiba sa labas ng bahay kaninang padaan kami. Pagkapasok namin ni Tin sa loob ng bahay ay agad kaming sinalubong ni Nanay alam kong may protection ang grandparents ko dahil sa spell na ginawa ni Nanay ngunit hindi kami nakakasigurado kung tatalab pa yon dahil hindi naman yun pangmatagalan.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon