Chapter 95

495 19 3
                                    

Maxpain Gail POV

Nagising ako kinaumaga han dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko. Agad naman akong bumangon at binuksan ang pintuan, tumambad sa harapan ko si Tin

“Gail maaga tayo ngayon kasi tayo ang nakatoka sa booth natin, wala naman tayong laro ngayong araw nagtext kasi sakin yung classmate natin.” Walang prenong sabi nito

sige maghahanda na ako, pakisabi kay manang pakihanda na rin ang breakfast para makaalis agad tayo mamaya.” Utos ko hindi ko na siya hinintay sumagot sinarado ko na ang pinto at dumeretso ng banyo, agad akong naligo at nagsuot ng uniporme bago pumunta ng kusina.

Mejo masakit pa ang ulo ko dahil dalawang oras palang ang tulog ko mejo natagalan kasi ako sa Palawan kagabi hindi ko na rin isinama si Janessa dahil gusto kong lumakad ng ako lang pagkatapos ko sa Palawan ay dinalaw ko rin si Laurent bago umuwi ng bahay siniguro ko lang na hindi niya tinanggal yung kwintas na ibinigay ko sakanya, hindi ko rin kasi makalimutan yung mukha niyang nakanguso. Hahaha ang cute kasi eh.

agang ngiti ah??” kantyaw ni Tin hindi ko siya pinansin

magandang umaga.” Bati ko kay Nanay at Janessa

aba aba !!! nakakatampo na !! hindi mo na ako sinasama sa mga lakad mo ganyan pa ang trato mo saakin Si Tin hindi ko ulit siya pinansin ang ingay eh

bilisan niyong kumain ng makaalis na tayo.” Sabi ko kay Janessa at Tin ng hindi tumitingin sakanila ng maalala kong hindi pala kumakain si Janessa dahil umiinum lang ito ng dugo

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na kaming nagpaalam kay Nanay at  pumunta sa garahe, si Tin ang nasa tabi ko samantalang si Janessa naman ang nasa likod. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa school, dumeretso agad kami sa booth namin at duon nag set up ng mga gagamitin namin ngayong araw dahil maaga kaming pumasok iilan palang ang tao sa school

“Gail ako na maghahanda ng mga bread sa displays at mga coffee para hindi na tayo mahirapan mamaya balita ko kasi booth natin ang dinadagsa ng mga bisita.” Napatingin ako kay Tin bago tumango ako naman ang nagset up ng mga mesa at upuan kasama si Janessa hindi ko alam kung sino ang mga kasama namin ngayon na nakaassign dito hindi narin namin sila hinintay para tumulong kaya naman namin kaya inumpisahan nalang namin.

“G-Gail pasensiya na kung hindi kita nasamahan kagabi sa lakad mo sa Palawan.” Napatingin ako kay Janessa, alam ko naman na may rason kung bakit siya natagalan tyaka natapos ko naman agad ang lakad ko kahit kulang ang tulog ko.

“okey lang kumusta naman ? nalaman mo ba kung saan nakatira si Justine?” bigla siyang namula sa tanong ko hindi niya ako tinitignan sa mga mata pero alam kong sa mukha ko siya nakatingin

“o-oo Gail ang laki rin pala ng bahay nila at ang ganda tulad ng sainyo mejo mas malaki nga lang ang sainyo at mas maraming kwarto.” Napatingin ako sakanya ng may pagtataka . hindi kaya sinuri pa niya ang bahay nila Justine kaya siya natagalan kagabi ?? pero imposible kaya niyang gawin yun ng mga ilang minuto lang. tumango nalang ako bilang pag sang-ayon kahit hindi ko pa naman nakikita ang bahay nila Justine hindi na rin ako nagtanong para sa kanyang pribadong buhay dahil naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil ako ay may beloved din

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon