Dedicated to SamanthaKyleLopez
Someone's POV"manang!!!" nakaramdam ako ng kilabot sa boses na aking narinig naghuhumiyaw ang awtoridad na parang kapag walang lumapit ay mamamatay agaf ang tinatawag nito!! Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nasa labas lahat ng mga kasama ko at tanging ako lang ang naiwan dito sa loob kasama ang mga bumisita dito at pinagbawalan rin akong lumapit o magpakita man lang sakanila dahil sa sikretong aming tinatago.Ang mahal na hari at mahal na reyna ang nag-utos saaming alagaan ang islang ito dahil ito ang itinuturing na tahanan ng dalawang maharlika ngunit ng mabuntis ang reyna ay napilitan silang bumalik sa kanilang nasasakupan ngunit hindi alam ng kapwa ko bampira na isang mortal ang reyna dahil sa mundo namin ipinagbabawal ang makihalubilo sa mortal, ngunit ng makita ko ang anak nila kahit nakatago lang ako ay nakaramdam ako ng tuwa.
Ngunit natatakot ako na baka kapag hindi ako lumabas at lumapit sa tumatawag ay maparusahan ako !!!
Wala na akong nagawa kundi ang magmadaling lumabas sa aking pinagtataguan, hindi magandang pinaghihintay ang mahal na prinsesa.
Pagkalapit ko sakanya ay nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot ngunit hindi ito halata sa boses niya dahil nangingibabaw ang awtoridad na tulad ng mga maharlikang bampira na talagang kinatagakutan ng normal na bampirang tulad ko. Takot naman ang aking nararamdaman kaya agad akong yumuko bago pa niya ito makita."M-maam G-Gail, nasa tabing da-dagat po si manang, saakin niyo na-nalang po iutos ang kailangan niyo." nauutal kong sabi bago yumuko upang itago an takot na nararamdaman ko, pinilit kongayusin ang pananalita ko ngunit nautal parin ako !! engot ! engot !! sana hindi niya mapansin .. 🙏🙏🙏🙏
"itatanong ko lang sana kung may mga wine dito?" tanong ng prinsesa, hindi ako nag-angat ng tingin dahil para saamin ay isang kahangalan ang tumingin sa mga mata ng maharlika, ito ay pagpapakita ng kawalang respeto sa mahal na prinsesa para sa aming mga ordinaryong bampira, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng inis sa mga taong kasama niya dahil sa nakikita kong pakikitungo ng mga ito sakanya !! dahil kinakausap nila ang mahal na prinsesa na akala mo ay kapareho lang nila ng antas o tungkulin ang mahal na prinsesa !! nakakainis ngunit wala akong magawa kundi panokrin nalang sila, gusto ko silang sawayin ngunit alam kong ako naman ang paparusahan ni Mang Pedring.
"ah me-meron po maam, may wine room po dito na pinalagay ng mahal na reyna." nakayuko ko paring sagot. ngunit natigilan ako sa sinabi ko.
"ni maam Alexandra." kabig ko hindi rin mapakali ang mga daliri ko dahil sa kaba at pagkakataranta ano bang sinasabi ko!! ang tanga ko!! nakakaasar !! pinagpapawisan na rin ako ng malamig talagang malalagot ako nito may Mang Pedring !!!"pakikuha kami ng limang piraso yung iba-iba ang brand." tumango ako bilang sagot at nakaramdam ng kaginhawaan salamat naman at hindi niya napansin, nagmadali akong lumabas ng kusina ngunit nakasalubong ko si Mang Pedring at tumingin siya saakin ng nagtatanong, siguro ay nagtagaka siya kung bakit ako nasa kusina.
Dumeretso naman agad ako sa wine room para kumuha ng mga alak, tulad ng utos saakin ng prinsesa kumuha ako ng lima na iba-iba ang itsura. Nagmadali ulit akong bumalik ng kusina para ibigay ang mga wine , pagdating ko duon ay nilapag ko agad ang mga ito sa mesa at sana hindi na rin nila mapansin kung paano ko itong nahawakan lahat.
"Maam Gail ito na po ang mga pinapakuha niyo." sabi ko ng yumuko ulit ako bilang respeto bago nag-angat ng tingin ngunit sa paraang hindi ko matititigan ang prinsesa kahit yun ang gustung-gusto kong gawin, lumapit naman saakin si Mang Pedring, napatingin naman saamin ang prinsesa na parang sinusuri kaming dalawa na parang sinasabi ng mga mata niya na may tinatago kami at malalaman niya yon kaya nakaramdam ulit ako ng takot.Siniko naman ako ni Mang Pedring siguro ay ramdam niya rin ang takot ko kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Mang Pedring pakitulungan naman po si ate na dalhin ang mga wine papunta sa tabing dagat, mauna na po kayo duon susunod nalang po kami agad." utos saamin ng aming prinsesa, kaya napatingin ako dito at tumingin kay Mang Pedring
"bakit ka nagpakita sa prinsesa Janessa?hindi bat nagkausap na tayo tungkol dito?." malumanay na tanong saakin ni Mang Pedring.
Napayuko naman ako dahil naiintindihan ko siya, hindi ko pa masyadong kontrolado ang lust ko sa dugo ng mga tao at yun ang iniiwasan nila baka ano ang magawa ko sa prinsesa at sa mga kasama nito, at iyon ang iniiwasan nila."patawad po, ngunit natakot po ako sa sigaw ng prinsesa kanina nasa labas kasi si manang kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos dahil nataranta na ako." kinakabahan kong paliwanag kay Mang Pedring habang naglalakad kami palabas ng bahay.
"pagkahatid natin ng mga alak ay bumalik kana agad sa kwarto mo at wag na wag kang lalabas hanggat hindi pa sila nakakaalis dito." may awtoridad sa boses ni Mang Pedring habang nagsasalita nakaramdam naman ako ng kaba.
"opo!'' sagot ko agad habang nakayuko parin.
Pagdating namin sa isa sa mga cottage ay nagulat pa si Alin Nelia at ang dalawa pa naming kapwa bampira pagkakita saakin, ang kasambahay naman ng prinsesa na lagi niyang tinatawag na manang ay nasa tabing dagat.
Tinanguan ko nalang sila bilang pagbati bago nilagay sa mesa ang mga dala ko bago nagteleport papuntang kwarto ko, Actually sa mga lugar lang namin nagagamit ang teleportation sa mga lugar na napuntahan na namin, pero kung mga tao ang pupuntahan namin ay hindi namin magagamit ang teleportation kahit anung konsentrasyon pa ang gawin namin, kahit sinong normal na bampira ay hindi kayang gawin iyon maliban sa mga piling maharlika.Humiga nalang ako sa kama ko pagdating ko sa kwarto ko at tumunganga dahil sa wala naman akong ibang gagawin, nakatitig ako sa kisame ng bigla akong mapangiti hindi ko akalaing magugustuhan ko ang isa sa mga kasama ng prinsesa, ang gwapo naman kasi niya *^_______^* parang ang bango-bango rin ng dugo niya ^____^ well hindi naman ako yung klase ng bampira na lumalandi tulad ng iba, hindi rin ako pwedeng uminum ng dugo ng tao para lang lumakas,
i have my own dicipline in my self :))
--------¥¥¥¥¥¥¥¥---------
sino naman kaya si Janessa sa kwento ng buhay ng ating prinsesa ???
sino din kaya ang nagugustuhan niya ????
abangan ... :))

BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...