Maxpain Gail POV
Pagdating ko ng kwarto saktong may kumatok sa pintuan ko..
“Maam Gail may mga bisita po kayo mga schoolmate niyo daw po sila, pinaghintay ko nalang po sa sala.” Dinig kong sabi ng isa sa mga kasambahay namin.
“bababa na ako.” Sigaw ko bago ako nakarinig ng mga yabag papalayo sa pintuan ng kwarto ko, agad ko namang inayos ang sarili ko bago bumaba ng hagdan
Nakita ko si Jared na nasa sala habang nagkukwentuhan, ngunit nagulat ako ng pati si Justine ay kasama, tsk tsk problema nanaman to wala pa naman si Nanay. Napabuntong hininga nalang ako, agad silang tumayo ng tatlo.
“magandang hapon,” bati ko sakanila
“ah Gail pasensiya kana sinama ko na si Justine nasira kasi ang sasakyan niya kanina habang pauwi kami isasabay ko nalang sana siya mamaya pag-uwi ko.” Napatingin ako kay Jared dahil sa sinabi niya bago tumango may magagawa pa ba ako???
“nasan si Tin?” tanung ko
“magpapalit lang daw ng damit.” Sagot naman ni Jared napalingon naman ako kay Laurent na tahimik lang, anu naman kaya ang problema ng isang to at tulala???
“pupunta lang ako sa kusina para maihanda na nila ung dinner at makakuha narin ng meryenda, upo muna kayo.” Hindi na ako naghintay ng sagot nila tumalikod na agad ako at dumeretso sa kusina nadatnan ko naman dun ang dalawang kasambahay namin na naghahanda na ng meryenda kasama si Janessa.
“ nanjan ka na pala Mahal na….”
“Gail lang.” putol ko sa iba pang sasabihin ni janessa
“o-opo.” Yumuko siya, hindi ko nalang pinansin nilabas ko ang cellphone ko para tawagan ang mga designers na gagawa ng mga susuutin ni Jared at Tin
“nasaan na po kayo nandito na kasi ang mga susukatan niyo.”
“mMm paaabangan ko nalang kayo sa may gate para makapasok kayo agad.” Ibinaba ko na ang phone at bumaling sa mga kasambahay namin na nasa kusina.
“pakihanda po ng meryenda ang mga bisita, dito din po sila kakain ng dinner, pakisunod nalang po sa sala ang mga meryenda.” Bumaling naman ako kay Janessa na nakaupo lang at nanunuod sa ginagawa ng mga kasambahay
“ kaya mo bang mag stay sa sala kahit nanduon si Justine ???”habang titig na titig ako sakanya wala namang bago sa reaksyon niya kung may pagkakapareho kami yun ay ang parehong walang masyadong emosyong lumalabas sa aming mga mukha maliban nalang sa takot na nararamdaman niya kapag nakasigaw ako.
“ kakayanin ko G-Gail pero kung hindi ko na kaya aalis nalang ako dun para maiwasan ko ang anumang problema.” Sagot naman niya habang nakayuko
“ mabuti, sumunod ka sakin sa sala.” Naglakad na ako paalis sa kusina habang nakasunod saakin si Janessa. Nagkukwentuhan ang mga nasa sala malamang sa malamang si Kristine nanaman ang maingay. Pagdating namin ng salas ay nadatnan ko na duon si Nanay na kausap ang mga bisita namin. Nadatnan kong pinapakilala ni Krisitine si Nanay kela Laurent.
“Nay, nandito ka na pala.” Napalingon silang lahat saakin
“kadarating ko lang anak, nakakatuwa naman tong mga schoolmate niyo at lalo na tong si Laurent ang gwapo ha??” pagkatapos niyang magsalita ay kinindatan niya ako. Napailing nalang ako sa inakto ni Nanay. Napatingin naman ako kay Laurent na namumula dahil sa sinabi ni Nanay lihim akong napangiti
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...